Chapter 5
"GOODMORNING, anak!" ani ni mommy sakin pagka baba ko nasa kusina ito at naghahanda ng almusal namin.
Naka office attire si mommy hudyat na papasok na naman ito sa trabaho. Habang ako ay nakapantulog pa dahil 7am pa lang.
Hanga ako sa pagiging hardworking niya at sa pagiging nanay niya sakin. She is the best among the best for me.
"G'morning, mommy." humihikab pa akong umupo sa upuan.
"Kain na tayo, Mika" ngumiti ito sa'kin bago umupo sa harap ko.
"Kumusta naman ang school?"
"Okay lang, po, nahihirapan minsan pero nakakayanan ko naman po."
"Basta huwag mong kakalimtan na kailangan magfocus ka sa studies mo para someday maging successful ka. At kung makaka boyfriend ka man ay sana ay yung may takot sa diyos at higit sa lahat may prinsipyo." ngiting ani nito sakin.
Napatigil kami ng kain ni mama dahil may narinig kaming nagdoorbell.
Maya maya lamang ay nagvibrate ang phone ko sa mesa at nakita kong nagtext si enzo.
Enzo:
I'm already outside your house."Sino naman kaya ang bibisita sa'tin sa ganitong oras?" Ani ni mommy sabay tayo pero pinigilan ko.
"Mom, a-ako na po ang lalabas" tumayo na ko at dali-daling lumabas ng bahay at nasa labas nga ng gate si Enzo.
This time ay naka white longsleeves polo naman ito na tiniklop hanggang siko at naka dark blue pants na tinernuhan ng brown shoes. Binuksan ko ang gate at bahagya itong nagulat sa presensya ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa itsura e kagigising ko lang. Pero naghilamos naman ako bago bumaba ng bahay.
Ngumiti muna ito ng matamis sakin at nag abot ng bouquet flowers. "Goodmorning, Mika"
"Anong ginagawa mo dito? Sinabi ko bang pumunta ka dito--"
"-Mika, sino yung bisita ba't hindi mo muna papasukin?"
Lumingon ako at nakita ko si mommy na naglalakad na papunta rito.
At nung nakita kung sino ang bisita ay napatakip ito ng bibig sabay baling sakin at napatingin ito sa flower na hawak ko ngayon.
"Oh my gosh! kaaga aga may ligawan na nagaganap dito, Halika dito, hijo, pasok ka muna." Aya ni mommy kay Enzo papasok sa bahay.
Dinala ni mommy si Enzo sa sala namin. Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng bahay.
"Magandang umaga, po ahm... Mrs-"
"Ms. Gomez, I'm a single mother." Ngiting sambit ni mommy kay Enzo bago ito pinaupo sa sofa.
"Mika, Kailangan ko nang umalis, baka ma-late pa ako sa trabaho." halikan ako ni mommy bago itong kunin ang bag at umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Enzo sa sala."Kumain ka na ba?"
Ngumuso ito habang nakatingin sakin. "Kumain na ako bago pa man din ako pumunta dito, pero may gusto akong kainin ngayon." Umangat ang sulok ng labi nito habang nanatiling nakatingin sa akin.
"Ano ba gusto mong kainin ipagluluto na lang kita."
"Ikaw." He siad straightforwardly.
"Bwiset ka!" Binatukan ko siya. "d'yan ka lang ha, magpreprepare lang ako."
BINABASA MO ANG
Running On Empty [COMPLETED] ✔
Romance[Casa Lucia Series #1] Lorenzo De villa, a hot bachelor, professional and knows his responsiblities. At the age of 29, he is already successful in his career but then he knows he needs someone who makes him feel loved. Until he met Mikaella Gomez, a...