Chapter 10

371 8 2
                                    

Chapter 10


"Guys, san ba tayo mamaya?" Tanong ni Leigh na hawak ang tumblr at basang-basa sa pawis dahil katatapos lang ng practice nila.


Nakasuot ito ng soccer varsity uniform, na kulay puti at pula na may tatak ng school namin sa harapan.


Habang kami ay naka suot ng civilian since washday naman. Monday-Wednesday required na Mag-complete uniform sa school.


Tuwing natatapos ang klase namin ay nakahiligan na namin ang tumambay sa soccer field habang pinapanood si Leigh sa practice game nito. Malapit na din kasi ang final tournament nila Leigh kaya kuntodo na sa pagpractice.


Naka Printed crop top at mahabang knitted gray jacket,at Jeans lang ang suot ko, habang naka white sneakers at Black backpack.


Tumingin ako sa kanya. Nagkakaayaan na naman kasing kaming kumain. Since na katatapos lang naming tapusin ang thesis kaya gusto naming itreat yung group naming, atsaka malapit na rin kasi ang mid term examination at panigurado tambak na naman sa paper works and so on...


"Kumain naman tayo ng Pizza." Nikko suggested, then his eyes darted on me with an suspicious smile.


He is pertaining to my 'Myday' last week. Kung saan naka post dun yung dalang pizza ni Enzo.


Sinamaan ko siya ng tingin atsaka inirapan. "Tss.. Pwede ba Nikko tigilan mo ko." Ingit ko.


"That's sounds great! Wait, magshoshower lang ako." Paalam ni Leigh bago ito tumakbo dala ang duffel bag papuntang locker room ng mga player.


Lugmok naman akong napatungo sa mesa, at pinaglalaruan ang phone ko.


Hindi pa kasi nagtetext or tawag si Enzo simula kaninang umaga.


This is bad...


I'm getting attached to him.


I pouted when I remember how I kissed him that night. Kamuntikan pa kaming mahuli ni mommy na nakakandong ako kay Enzo habang naghahalikan. 

Isang linggo na ang nakalipas pero ramdam ko pa rin yung pagdampi nung labi niya sa'kin sa tuwing naaalala ko yun. tinagilid ko ang ulo ko habang Napahawak ako sa labi ko, At inalala yung init ng labi niya.


Tinapik ni Lincoln ang balikat ko. "Okay ka lang?"


Nilingon ko siya. "Nauuhaw ako." Agad naman tumayo si Lincoln.


"Oh! San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"I'm going to buy you water." Aniya pagkatapos ay patakbo itong lumayo sa'min.


Nikko faked his cough, "So musta na kayo ni Lorenzo?" maintrigang tanong ni Nikko.


Hindi ko siya kinibo kaya siniko ulit ako ni nikko. "Huy... anu na?!" Pangungulit nito. at niyuyugyog nito sng braso ko.

Running On Empty [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon