Merry christmas! Stay safe ;)
Chapter 37
"Are you ready to hear the good news?" Tanong ng doktorang nagcheck-up sa 'kin.
Nakangiti itong bumalik mula sa laboratory habang hawak-hawak ang papel sa kamay marahil iyon na ang result test.
Inayos ni doktora ang eyeglass bago pinagsalikop yung palad sa ibabaw ng table.
First of all, Kay kuya Cody muna ako unang nagpa-consult tungkol sa signs and symtoms about pregnancy at lahat ng tinanong ni Kuya ay tugma sa actions ko lately. kahit na hindi related si Kuya sa mga bagay tungkol sa pagbubuntis but still alam kong may alam siya kahit papaano sa bagay na ito.
Nirecommend sa akin ni Kuya na magpa check-up sa Ob-gyne para makasiguro kung talaga bang buntis na ako at nirefer ako ni Kuya cody sa kakilala nitong doktor na filipino rin. Maaga kaming nagpunta ng clinic, at sa tulong ni Kuya cody ay nagkaroon kami ng appointment sa doctor.
Magkaharap kaming naka upo ni Enzo sa harap ng table ni doktora. Matagal akong inaaliw ni Enzo para hindi ako mabagot o Kabahan.
At ngayon ay nasa harap na namin ulit si doktora ay saka ko lang naramdaman ang kaba, kinabahan ako, ano kaya ang resulta?
Biglang hinawakan ni Enzo ang kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko.
Lumawak ang ngiti ni Doktora. "You're pregnant, Ms. Gomez. Congratulations! You're eight weeks pregnant."
I still using Gomez as my last name, I'm just using Silverio as my screen name.
Nanlaki ang mga mata ko. Nag-echo sa pandinig ko sa sinabi ni Doktora, Pregnant? Parang ang sarap pakinggan at kakaiba sa pakiramdam. Dumako ang tingin ko kay Enzo na medyo naestatwa sa kinauupuan, tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ng doctor sa amin. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Enzo sa kamay ko.
"Are you sure, doc? She's really pregnant? For real?" Sunod-sunod na tanong ni Enzo kay doktora pero kitang kita ko na masaya siya dahil sa resulta.
His eyes sparkling in so much happiness knowing that he will be a father soon.
Nakangiting tumango si doktora kay Enzo bilang pagtugon sa tanong. Nilingon ako ni Enzo ng nakangiti sa sobrang saya.
"How's our baby's condition?" Curious na tanong ni Enzo kay dok.
Medyo natawa ako ng kaunti, halatang excited maging ama... Naninigurado sa kapakanan ng baby...namin.
"The baby is healthy. For now, avoid stress is a must especially to your partner. Maaaring makaapekto sa bata kapag naistress o kapag madalas pagod si Ms. Mikaella. If this occur once or twice or more, you two might lost the baby."
Pagkatapos ay nilingon ako ni Doktora.
BINABASA MO ANG
Running On Empty [COMPLETED] ✔
Romance[Casa Lucia Series #1] Lorenzo De villa, a hot bachelor, professional and knows his responsiblities. At the age of 29, he is already successful in his career but then he knows he needs someone who makes him feel loved. Until he met Mikaella Gomez, a...