Chapter 3

555 11 1
                                    

CHAPTER 3



NAGISING ako mula sa sinag ng araw na sumisilip sa likod ng kurtina. Minulat ko ang aking mga mata kasabay ng pag-inat ng katawan. Ang ganda ng kwarto. Kulay dark blue na nahahaluan ng pagka-grey.

Nanlaki ang mata ko at napabalikwas ako ng bangon. Mabilis ang paghinga ko nang napagtanto ko na hindi ito ang kwarto ko. Putcha nasaan ako?

Napa-face palm ako at pilit kong inalala kung ano bang ang nangyari kagabi.

"Mika, anong gulo ba ang pinasok mo?" Tanong ko sa sarili habang pasabunot akong napatungo.

Ang huling pagkakaalala ko ay yung may kahalikan akong gwapong nilalang sa bar at TEKA! M-may nangyari samin!!!!.


Kinapa ko ang sarili ko at nakita kong naka black tshirt akong panlalaki at naka under wear ako. Gumalaw ako at ngumiwi ako ng naramdaman ko ang gitnang bahagi ko ay masakit.


My virginity gone just like that?!

Sino ba ang lalaking yun? Pinikit ko ng mata ko at inalala kung sino nga ulit yun. "I'm enzo..."


E-enzo ang pangalan niya? Hala baka mabuntis niya ko!.

Mukhang kailangan ko magpa-check up sa ob-gyne. Nahinto ako matapos kong masinghot ang mabangong nilulutong pagkain sa labas. SIguro ay nagluluto sa labas.


Bumangon ako, mabuti na lang ay nahanap ko agad ang cellphone na nasa ibabaw lamang ng bedside table. Dali-dali ko iyon binuksan. Nanlaki ang mata ko. WHAT THE HECK!! 32 missed calls from Lincoln habang ang iba naman ay puro text na nila Abbie.


Nag chat ako sa gc na okay lang ako at sinabi kong nakauwi ako ng maayos kagabi.

Ako: Hey, Huwag kayo mag-aalala. Nakauwi naman ako ng maayos.

Inilibot ko ang kubuuan ng kwarto. Pulos Minimalist color ang kwarto niya. Dark blue, grey, white at black lang kalimitan kong nakikita sa mga interiors, masasabi kong lalaki ang nakatira dito.

May isang pintuan sa kanan kung hindi ako nagkakamali ay iyon na nga ang bathroom. kung hindi ako nagkakamali ay iyon na nga ang bathroom. habang nasa gilid naman ang kwarto sa bandang harap ang isa pang pintuan, marahil iyon naman ang pintuan palabas ng kwarto na 'to. Nag-baba ako ng tingin sa sarili ko at wala sa sarili kong pinulot ang unan sa tabi ko, kapagkwan ay binaon ko ang mukha ko roon. jeez! His smells good, his scent so manly. Napasinghap ako, at kaagad ko iyon binitiwan na para bang napasapo.

Ano bang nangyayari sa'kin? Everything seems so unreal. Hindi ko dapat ito hinayaan mangyari.

Napa-face palm na lang ako bago nagpasyang tumayo. Sinilip ko ang pintuan, tama nga ako, iyon nga ang bathroom. Pumasok ako, binuksan ko ang gripo ng sink at naghilamos pagkatapos ay naghalughog ako ng magagamit na toothbrush sa likod ng salamin.

Sinilip ko ang loob ng shower at nakitang puro panlalaki ang essential, wala akong makitang pambabae kaya sa tingin ko ay binata pa siya. I felt relieved.

Pagtapos nu'n ay lumabas ako ng kwarto kahit pa hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag hinarap ko na siya. Dahan-dahan at maingat kong binuksan ang pintuan, inilibot ko ang mata. 

Bumungad sa akin ang malaking sofa at malaking television at gaya nung nasa kwarto ay puro  dark ang kulay ng interiors, Kundi dark blue o grey ay black at white naman. Naglakad pa ako hanggang sa may madatnan akong isang malaking bulto na nakatalikod sa gawi ko.

Running On Empty [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon