Chapter 13
Kinaumagahan ay unti unting dumilat ang mga mata ko. Naramdman ko na nakadantay si Chesca sa bewang ko.
Bumangon ako at doon gumuhit ang sakit sa ulo ko.
Oh shit! Ang sakit ng ulo ko.
Hindi na talaga ako mag-iinom. Pero syempre joke lang iyon.
Inilibot ko ang tingin at nasa guest room na kami sa condo ni Lincoln.
Paano ba kami nakauwi kagabi?
Wala na akong maalala. Kaya pagkatapos kong maghilamos ay ginising ko na si Chesca. Sabay kaming lumabas, habang sila Ay nag-aagahan na.
Pero mukhang badmood ata si Bryce. Kagabi pa kasi siya inaasar ni Leigh at Nikko. Bigla ko tuloy naalala na hinalikan niya si...
"Goodmorning!" Bati ni Marcus.
"Morning!" Aniya sabay bahagyang nag-unat.
Habang kumakain ay napagkwentuhan namin ang tungkol sa kaganapan kagabi at nasabi kay Chesca na ang galing nitong sumayaw sa isang lalaki sa kabilang table kagabi at nakita na lang na nakikipaghalikan na doon.
"Oy, Mika, mas malala ka pa kesa kay Chesca kagabi. Sa sobrang kalasingan mo kagabi todo hataw ka sa dance floor nakakahiya at muntikan pang makipag away si Marcus nandahil lang may biglang humihila sayong lalaki yun din mismo yung pumunta sa table natin." Sabi ni Lincoln.
Napatigil ako sa pagnguya. Bumaling ako sa kanya.
What?! Like for real?
Napakunot noo ko at wala talagang maaalala sa nangyari. "Huh? Anong nangyari?"
"Oo nga, Mika, Sino yung lalaking pumunta sa table natin kagabi mukhang galit na galit ah?" Sabat pa ni nikko.
Mukhang alam ko na ang tinutukoy nila.
Goodness! Marcus probably think someone is harassing me last night. Of course he is an future attorney, kaya siguro nakahalata.
"What are you guys talking about? Of course, I know don't him." Tanggi ko.
"O, bakit ka nagagalit?" Singit ni Leigh.
"So-sorry na nga galit-galit ka pa dyan e." Sabi ni Nikko sa'kin na nang-aasar.
Inirapan ko siya at nagpatuloy na lang kumain ng agahan.
For the whole week ay naging normal naman ang araw ko. But Enzo didn't contact me since last friday night.
Tsk! Bakit parang namimiss ko siya?
Kaya nung naglalakad ako papunta sana sa library nang makatanggap ako ng text.
Enzo:
Can i see you? Nasa labas ako ng school nyo.
BINABASA MO ANG
Running On Empty [COMPLETED] ✔
Romansa[Casa Lucia Series #1] Lorenzo De villa, a hot bachelor, professional and knows his responsiblities. At the age of 29, he is already successful in his career but then he knows he needs someone who makes him feel loved. Until he met Mikaella Gomez, a...