Chapter 36
KINABUKASAN pagkatapos nang fashion show sa milan ay kaagad din kami tumungo ng airport para makabalik na ulit ng Canada. Hindi na kami dumalo sa after party dahil gusto ko nang makapahinga. I just want to take a rest sooner as we get home.
At para hindi ako makaramdam ng inip sa byahe ay tumawag ako ng flight attendant upang makaorder ng pagkain. Tiningnan ko muna si Ate Emma at natitiyak kong mahimbing na kanyang tulog at kampante akong makakakain ng gusto kong pagkain kahit na hindi naaayon sa diet ko at sa gusto ni Ate emma.
Tinanong ko kung mayroon ba silang cheesecake na mai-ooffer at awtomatiko akong napangiti ng matamis nang sinabing mayroon silang ganoong putahe na pwedeng iserve sa mga passengers. Lumipas ang ilang minute nang bumalik ang flight attendant dala-dala ang inorder ko.
Lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang inilapag na sa harapan ko ang dalawang slice ng cheesecake, kinuha ko ang tinidor at kaagad iyon tinikman.
Pagkalabas pa lang naming ng airport ay nakaabang na kaagad ang Van ko na maghahatid sa Condo kasunod ang team ko sa kaniya-kaniyang bahay. Pagkaupo ko pa lang ay doon ko pa lang naramdaman ang pagod ko sa ilang araw na pagtatrabaho.
"Mika, pinapasabi pala nga pala ni Mr. de villa na nasa condo mo na siya at inaantay na lang ikaw na dumating. Hindi ka raw kasi nagrereply sa mga messeges niya." Sabi ni Ate Emma.
Isang tango lang ang iginawad ko at hindi na nagawa pang sumagot. Humugot ako ng malalim ng hininga bago ko isinandal ang aking ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko na namalayan na nakatuog na pala ako. Sa sobrang pagod ay hindi ko na napigilan na makatulog sa byahe.
Naalimpungatan lang ako nang may maramdaman na mainit na hininga na tumatama sa leeg ko at may matigas na braso na pumulupot sa katawan ko, amoy pa lang ng pabango ay natitiyak kong boyfriend ko na iyon.
I guess, He was the one who unbuckled my seatbelt.
I force myself to open my eyes a little bit and I saw Enzo whose now about to carry me. Nakabukas na ang pintuan ng Van at handa na niya akong buhatin paalis sa kinauupuan ko.
Sa himbing siguro ng tulog ko ay pinili na nilang huwag na akong abalahin na gisingin pa, bagkus ay tinawagan na lang nila si Enzo na nasa condo ko.
Nataranta ako kaya hindi na ako nakagalaw pa nang inumpisahan na ilagay ang isang braso ko sa leeg nito at tuluyan na nga akong buhatin ni Enzo na walang kahirap-hirap. I closed my eyes quickly and pretending I'm still sleeping. Lihim akong napangiti sa leeg ni Enzo kng saan nakasubsob ang aking mukha at nakaramdam ng pagkakabog ng dibdib ko sa gesture niya.
"Naku! Mr. De villa, Pasensiya na po talaga sa abala." Boses iyon ng P.A ko. "Hindi po kasi siya gaano nakapagpahinga sa eroplano, we didn't insist to wake her up from sleeping."
"It's okay, I understand. Thank you for not waking her up. My girlfriend seems tired; does she have any schedule for tomorrow? I will wake her up if she has." Si Enzo.
BINABASA MO ANG
Running On Empty [COMPLETED] ✔
Romance[Casa Lucia Series #1] Lorenzo De villa, a hot bachelor, professional and knows his responsiblities. At the age of 29, he is already successful in his career but then he knows he needs someone who makes him feel loved. Until he met Mikaella Gomez, a...