Chapter 12

335 9 5
                                    

Warning Mature Content // Rated Spg

CHAPTER 12

"Guys! Punta tayo sa bar mamaya ha! Bawal talkshit." Sambit ni Lincoln kila Marcus bago kami pumasok ng kotse nito. Nagkayayaan kami na mag-bar malapit lang sa Condo nila Lincoln.

Parehas kami ni Chesca na ihahatid ni Lincoln hanggang sa bahay nila Chesca. Doon ako magpapalit ng damit, then mamaya buong barkada ang mag-stay sa Condo ni Lincoln after namin mag-Bar.

"Somethings bothering you." He said.

Nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsada at focus sa pag-drive, Nilingon ko si Chesca na busy sa Phone, she's probably checking her social media account.

"Wala medyo naistress lang ako this week. Buti na lang natapos natin lahat bago mag weekend." Sagot ko.

Buti na lang talaga at Friday ngayon. Tagal kong nauhaw sa Alak eh! Gusto kong magpakalunod at magpakalasing.

Tangina rin nito ni Enzo eh! mantakin mo ba naman na pagkatapos nang may nangyari sa'min nung sabado ay malalaman ko na lang na hayun... hayok na hayok makipagharutan doon sa Sophie na iyon.

Hindi ako pinanganak kahapon para hindi mahalata na hindi lang basta friends yun, yung friends na pinagsasabi ni Enzo ay may halong kaharutan. Tuwang-tuwa pa ang gago habang nakikipaglandian sa iba.

Ang sabi nga ng kaharamihan matatanda ay malalakas ang instinct ng mga babae kapag may lumalandi sa lalaki, at totoo yun.

Sa katunayan ang sabi niya sa'kin mag-uusap lang kami nung nakaraan, eh hindi ko naman alam na mauuwi sa kama yung pag-uusap namin. 'Di ko alam na 'bed talk' pala ang ibig sabihin ng binata sa'kin.

Tsk! 'till now sariwa pa rin sa'kin ang imahe ni Enzo na Sarap na sarap habang ahmm... Oh What the heck are you thinking Mika?!

Napasabunot ako ng buhok at nalbabaliw akong umiling iling. I jumped a bit when Chesca tapped my shoulder. "Oy gaga, nandito na tayo sa'min." Ani Chesca.

Gulat ko siyang nilingon. "Huh?! andito na agad tayo?"

Natatawang itong napangiwi sa'kin, "Ay paulit-ulit? Halika na... Atsaka Para kang tanga riyan, Baliw ka na Gurl?" Natatawang pahayag ni Chesca atsaka ito bumaba.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Lincoln, Ngunit napansin ko na matiim at mapanuri ang tingin niya sa'kin. hinarap ko siya at bumuntong-hininga, "Don't worry I'm fine, Hindi pa naman ako nababaliw."

Natawa ito ng mahina, Showing his perfect teeth. "Pag nabaliw ka. mababaliw din ako, so we're even. Just imagine you and me laughing together kasi parehas tayong baliw."

Ilang saglit lang Umalis din kaagad si Lincoln kaya pumasok na kami sa bahay nila Chesca. Simple lang ang bahay nila ngunit puno ito ng saya, may hardware shop ang tatay nito habang ang dalawang kuya ay may sariling nang propesyon, isang Accountant at isang flight attendant sa isang airline at ang ina ay isang housewife.

Nakakatuwa kasi ang family nila Chesca, i felt like i'm also member of their family too. I really admire on how much they caring for each other.

"Goodafternoon po,tita sali!." Maligayang bati ko sa ina ni Chesca na nagaayos ng halaman sa veranda.

Ngumiti ang ginang sakin at pinapasok na kami ni Chesca sa loob.

Nakita ko naman si Kuya Aries, yung flight attendant na kuya ni Chesca. Na seryosong nagtitipa sa laptop sa sala.

"Goodafternoon po!" I greeted shyly into Chesca's eldest brother.

Running On Empty [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon