Chapter 17

287 11 1
                                    

Chapter 17

Isang linggo ang inilaan para sa magiging proseso ng enrollan para sa 3rd year college for 2nd semester. Pahirap na pahirap ang bawat subject, at lalo na yung thesis namin.



Kaya sinabihan ko si Enzo na baka kung minsan ay hindi kami magkita or hindi ako masyadong makakapagupdate sa kanya.



He told me it's okay, it's a part of being an college student ang maging busy at malugmok sa mga gawain. I'm thankful na napaka understanding niya sa'kin.



One month nang nag start ang klase namin. As usual, magkakasama na naman kaming apat. May iilan din nadropout dahil karamihan ay nagtrabaho or nag-asawa na.

Nandito kami ngayon sa room, at inaantay namin na dumating ang prof namin para sa last subject. My god! 15 minutes nang wala, baka naman na gusto nang magpauwe?

Agad naman pumasok si Leigh at Nikko na nanggaling sa faculty room, para alamin kung may magtuturo pa ba sa amin.



"Guys, We have a good news and bad news." Unang bungad ni Leigh sa classroom namin.

By the way, Leigh is our newest Mayor in our classroom.



Nikko grinned. "Syempre, unahin muna natin ang goodnews." Ngumiti ito sa amin lahat. "Wala tayong prof!" Masaya nitong pahayag kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.

Agad naman pinatahimik ni Leigh ang buong room sa pamamagitan ng paghampas ng kamay sa whiteboard. "Here's the badnews, may substitute teacher." Ani Leigh.

Agad naman nagsibagsakan ang mga balikat at nalungkot sa nabalitaan.




Ilang sandali lang ay may dumating na.



Isang matangkad na lalaki mula sa Criminology department dahil nakasuot ito ng Navy green at naka tuck in sa black pants na may black belt, paired with an black leather shoes. I know him, nagconfess ito sa'kin dati eh.



May dala-dala itong Index card na gagamitin para sa attendance at recitation. At dala rin ang yellow cattleya hudyat na may quiz kami.



Masugid ko siyang manliligaw during our 1st year in college, he is too kind and someone like him is deserve to have serious relationship.



Kaya i chose to turn him down so many times, kasi sa tingin ko ay masasaktan ko lang ito sa mga kalokohang pinagagawa ko dati at ayokong masaktan ito dahil hindi pa ako handa sa commitment sa panahong iyon.

Matipuno at maganda ang hubog ng pangangatawan at ang gupit ay pangsundalo. Seryoso ang mukha nito na animo walang emosyon. Hindi nakatakas sa paningin ko ang nakaw na sulyap sakin mula sa matalim nitong mata.



Nanlamig ang buong kalamnan ko at parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ko. nanlalamig ang kamay ko, hindi ko alam kung ba't kinakabahan ako. iba yung kabog ng puso ko ngayon.



He is Lukas miller, a 3rd year Criminology student. Isa ito sa hinahangaan ng mga kapwa ko estudyante sa unibersidad, at may nabalitaan ako may dumadayo pang kababaihan mula sa ibang eskwelahan para lang makuha ang atensyon ng binata.

At kabilang ito sa cadet member ng school. Kaya madalas ko itong makita na nakauniform na pansundalo sa tuwing may gaganapin na pagtitipon o meeting sa school.



Siniko ako ni Nikko. "Psst! 'Di ba si Lukas iyan? Yung masugid mong manliligaw dati?" He whispered with intriguing tone.

Hindi ko na sinagot pa si Nikko nang magsimula ng mag Tawag ng pangalan para sa attendance, hanggang sa matawag ang pangalan ko.



Running On Empty [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon