Chapter 8
"Mika, I think we need to go back, Baka hinahanap na nila tayo sa loob."
"Sige, tara na." Tinulungan niya ako makatayo at iginiya kung saan ang daan pabalik sa loob.
Inilibot ko muli ang tingin sa garden na napapalibutan na makukulay na fairy lights at statue.
"Enzo!" Someone's called his name.
Sabay kaming lumingon ni Enzo sa pinagmulan ng boses na iyon. Ganu'n na lamang ang gulat ko na hindi lang basta ordinaryong tao ang tumawag kay Enzo kundi isang sikat na modelo, hindi basta sa bansa kundi abot na rin sa New york ang kasikatan.
Si Sophie Garcia, a arising supermodel in New york. Nakauwi na pala siya? Pero teka, magkakilala sila ni Enzo?
Kapagkuwan ay nilingon ko si Enzo at hindi ko matukoy ang kanyang ekspresyon dahil natatakpan ng dilim ang kalahating mukha.
"Finally, Nakita rin kita. It was nice to meet you again after so many years!" Sabay yakap kay Enzo.
Yumuko ako. I felt like I'm like an intruder between them. Muli ko silang tiningnan, bahagya akong nagkunot noo. Hindi man lang yumakap pabalik si Enzo at nanatiling seryoso ang mukha.
"Kailan ka pa nakauwi?"
"I just came back the other day after I attend fashion week in New York." Lumagpas ang tingin niya papunta sa akin.
Napasinghap ako ng mahina matapos kong maramdaman ang mainit na palad ni Enzo na lumandas sa baywang ko at inilapit sa katawan niya. I could feel his thumb gently caressing my waist.
"By the way, this Mika." He introduced me.
I lifted my head and I awkwardly smile. "H-hi!"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglungkot sa mga mata ni Sophie. But then, Sophie tried to hide it with a smile in her lips.
"Pleased to meet you, Mika. I'm Sophie."
"I know you, palagi kong pinapanood mga runways mo. I'm a fan."
Ngumiti siya sa 'kin. "Thank you. And by the way, I have to go."
Sabay angat ng tingin kay Enzo. "I'm glad to see you again, Enzo. I hope this isn't our last meeting since I came back."
But Enzo didn't say anything, he just nodded his head and smiled back at Sophie. Sophie bid goodbye and walked away. A few more minutes, Enzo held my hand and walked back to the hotel
"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa pagitan ng paglalakad.
"Yes."
"Paano kayo nagkakilala kung ganu'n? Dati ba kayo magkaklase, childhood friend o mutual friend?"
Natigil kami sa paglalakad at nilingon niya ako. "She's just a old friend."
Nakabalik kami sa loob ng hotel, nadatnan na mag-isang naka upo sa round table si Cai na umiinom hawak ang wine glass.
"Ang tagal n'yong nawala ah! Ano'ng ginawa n'yo, Kuya?" Pilyong sabi ni Cai matapos namin makaupo.
"Naglibot-libot lang kami." Sabi ko.
"Yun lang ginawa n'yo?"
Nagkunot-noo ako. "Bakit ano ba dapat namin gawin?"
"Kung ano ang dapat n'yong gawin." Simpleng sagot ni Cai atsaka uminom ng wine.
Enzo actually laughed at Cai's joke he sat beside me me and moved my chair closer to him. "No, Walang ganu'ng nangyari."
BINABASA MO ANG
Running On Empty [COMPLETED] ✔
Romance[Casa Lucia Series #1] Lorenzo De villa, a hot bachelor, professional and knows his responsiblities. At the age of 29, he is already successful in his career but then he knows he needs someone who makes him feel loved. Until he met Mikaella Gomez, a...