chapter nine

4.3K 419 232
                                    

"Ate, hindi raw kami matutuloy ngayon at bukas na dumalaw sa 'yo. Pagod kasi si Mama at pagod din sa Papa para magmaneho."


Natigilan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko, naghahanda para pumasok na sa school. Sabado ngayon at hinihintay ko pa naman ang pagdalaw nila ngayon pero hindi raw sila matutuloy.


"Gano'n ba?" bulong ko, hindi ma-itago ang lungkot sa boses ko. "Sige, sabihin mo na lang na magpahinga sila nang maigi." Huminga ako nang malalim. "Kapag hindi na 'ko masyadong busy, ako na lang ang uuwi."


Nitong mga nakaraang araw kasi, gustuhin ko mang ako na lang ang umuwi sa amin, hindi ko magawa dahil meron akong pasok mula Lunes hanggang Sabado at madalas ginagabi pa 'ko.


"Huwag na, Ate," sagot ni Tash. "Baka mapagod ka lang lalo. Basta kapag okay na, pupunta kami riyan, promise. 'Tsaka pinakabilin nina Mama sa 'yo, 'di ba, mag-aral ka lang. Okay lang kami rito. 'Wag kang paranoid."


Tumango ako dahil parang nagiging paranoid na nga ako. Ilang oras lang, nagpaalaman na kami dahil may klase pa ako sa PE at NSTP at ayoko nang nala-late ako.


Suot ko ang PE uniform namin na kulay puti ang t-shirt, may kulay maroon sa parehong gilid ng mga sleeves at may nakatahing logo ng LMU sa may bandang kaliwa ng dibdib. Suot ko rin ang itim na jogging pants na ka-terno nito, may nakalagay na LMU sa may bandang kaliwang hita.


"Bagay, ah," sabi ni Magnus nang makarating ako sa classroom, naroon na sa room namin. "Ganda mo sa couple shirt natin."


Sinamaan ko siya ng tingin bago umupo sa tabi niya. "Ang dami mong ka-couple shirt."


Ngumisi siya. "Selos ka ba? Alam mo namang ikaw lang crush ko, e."


"Sira," natatawa kong sabi. Nag-asaran pa kami at natigil lang nang dumating na ang professor namin at nagsimula na ang klase.




"Spoiler alert," excited na salubong ni Iris nang makarating ako sa office ng TLMP matapos ang klase ko. May meeting kami rito nina Eloise dahil malalaman na namin ang nangyaring botohan sa campus crushes.


"Panalo bebe mo," anunsyo ni Audrey bilang pagtutuloy sa sinasabi ni Iris. Hinila nila ako papunta sa computer ni Harrison.


Ipinakita nila sa 'kin ang program at nakita kong nanalo si Magnus at isang babaeng higher batch sa department namin habang sina Camron at Brielle naman sa college nila.


"Panalo nga lang din si Brielle Amelie Hernaez our karibal," bulong ni Iris.


Binalingan ko siya. "Karibal mo—"


"Here she goes again." Tiningnan niya si Audrey na parang kumukuha ng kakampi. "She's still in denial, Dree. Kung ako nililigawan ni Fafa Camron—"


"Your mouth," suway ni Audrey at tinakpan ang bibig ni Iris. "Baka ma-chismis sila."


Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon