chapter six

4.4K 418 226
                                    

Sabado ng umaga, kinuha ko ang cellphone ko at nag-check ng mga messages sa Messenger. Chineck ko rin 'yung mga group chats at inuna ko ang sa TLMP.


The La Mentro Post

Lorena Chavez: Meeting on Monday at J.A. Building, room 703. 6pm sharp. Congratulations to the new writers!


Nang mabasa ko iyon ay agad kong pinindot ang going doon sa sinet na meeting ni Ms. Chavez. Sunod ko namang chineck ay ang group chat namin nina Jash.


Mighty Nine

Zachary Asher Verdejo: Any plans later tonight? It's the fucking weekend


Lewis Dela Cuesta: Bar or chill lang?


Eliana Alejos: Finalize the plan, but count me in :)


Charlie Sacueza: Kahit saan pa 'yan. Or bar hopping na lang?


Ryker Farillon: Damn, no bar hopping @Charlie. Mahal ko atay ko, dude.


Rumi Elodie Perez: Tangina, naiwan ko pala bukas wifi kagabi. Nagising ako sa mga putangina niyong chat! Magpatulog kayo, it's the fucking weekend!

Yes, I am mocking you @Zachary Asher. Damn you for starting this


Natawa ako at napansin na 'di pa nag-seen si Jash. Baka tulog pa siya kaya naman bumangon na ako mula sa kama ko at naghilamos.


Habang naghahapag sa dining table pagkatapos kong magluto, dahil mukhang hindi pa gising si Jash, inilabas ko mula sa bulsa ng sweatpants ko 'yung cellphone na tunog nang tunog mula pa kanina. Natawa ao dahil mula 'yon sa group chat namin nina Jash.


Nauna kong tinawagan sina Mama para mangamusta at hindi na muna binuksan 'yung group chat namin. Sabado ngayon kaya siguradong walang pasok si Mama at Tash.


"Okay naman kami rito, anak," sagot ni Mama. "Medyo nagkakasakit lang ang papa mo."


Nag-alala ako agad dahil do'n. "Po? Kailan pa po? Umiinom po ba siya ng gamot?"


"Oo, ipinacheck-up na rin namin siya. 'Wag ka nang mag-alala. Ikaw, iingatan mo ang sarili mo, ha?"


"Opo, Ma. Pero kayo rin po. Lagi niyo pong iingatan ang mga sarili niyo."


Sobrang hirap pala na malayong ganito lalo na kapag may sakit ang isa mga kapamilya mo. Gusto kong makita si Papa at alagaan sana pero hindi ko naman magagawa 'yon.


Nag-usap pa kami ni Mama at sinabi niyang sa susunod na Sabado ay dadalaw sila. Natuwa ako nang husto dahil doon kaya masaya at masigla ako pagkatapos naming mag-usap.


Ilang sandali lang, lumabas na si Jash mula sa kwarto niya. Nanlaki ang mga mata niya bago pumunta sa 'kin at yumakap.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon