chapter eighteen (part 2)

4.2K 411 0
                                    

"Happy birthday, Camron."


Lumapit ako sa kanya habang naglakbay naman ang mga mata niya pababa hanggang sa bumalik ulit sa mga mata ko.


Bahagya siyang nakasandal kanina sa gilid ng sasakyan niya, ngayon ay umayos na ng tayo. Nakasuot siya ng black long sleeves button-down shirt na bukas ang unang tatlong butones at nakatuck-in 'yon sa black cropped trousers. Nakasuot din siya ng black shoes na mas nagpa-pormal pa sa dating niya at dagdag pa ang brushed-up hairstyle niya ngayon.


"Thank you, love," sagot niya at hinigit ako sa bewang para yakapin. "Damn, you smell so nice and you look so good." Humalik siya sa tenga ko. "How could you be more beautiful? This is illegal."


Napangiti ako at ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya. "Ang gwapo mo rin lalo na sa suot mo."


"Really?"


"Oo."


Humalik siya ulit sa tenga ko, medyo nagtagal ang labi niya ro'n kaya medyo nakiliti ako lalo pa't ramdam ko ang mainit niyang hininga.


"This is my first birthday with you," bulong niya. "Here's to growing older with you."


Nakangiti akong tumango bago kumuwala para ibigay sa kanya 'yung regalo ko. Medyo nahihiya ako sa ibinigay ko dahil alam ko namang marami na siya no'n. Mukha pang mamahalin ang kanya—tulad na lang ng suot niya ngayon.


"Sorry, hindi kasi ako marunong mag-regalo sa lalake," pauna ko nang sabi.


Ngumiti siya at kinuha ang parisukat na box mula roon sa paper bag. Binuksan niya 'yon at kinabahan ako kung magugustuhan ba niya o hindi.


"Alam ko marami ka na niyan," dagdag ko nang ilabas niya ang silver watch do'n sa box at tinitigan iyon. "Pero sana—"


"No buts, love," putol niya sa sinasabi ko, nakatingin pa rin sa relo. "I might have much of this but this will be my favorite." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, paran malaki ang pasasalamat. "Thank you. Really."


Hindi ako nakasagot dahil natulala ako sa kanya. Simple lang iyon... at mumurahin pero hindi matanggal ang ngiti niya. Para pa siyang excited na excited nang inalis niya ang suot niyang relo at isinuot agad ang ibinigay ko.


"Perfect fit," sabi niya. "I don't want to be conceited, but are you my stalker, Miss?"


Hindi ko mapigilang mangiti lalo na parang mapupunit na ang labi ko. Grabe. Sana dumami ang mga taong kagaya niya—'yun sobrang um-appreciate sa mga maliit na bagay.


"Dahil birthday mo naman, sige, pagbibigyan kita," sabay ko sa biro niya at natawa siya.


"Kidding," sagot niya at hinalikan ako sa pisngi. "Thank you again for this, love."


Tumango ako at pumasok kami sa sasakyan niya. Nag-umpisa siyang magmaneho at habang nasa kahabaan kami ng traffic ay kinabahan na naman ako nang maisip ang pagkikita namin ng mama niya. Nakatingin ako sa bandang bintana ko habang hinahaplos ang kwintas na bigay ni Camron sa 'kin.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon