chapter twenty-four

4.2K 408 0
                                    

"Mom, Tate's here."


Hinawakan ni Camron ang likod ko at sabay kaming lumapit sa kinatatayuan ng mama niya na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.


"G-good evening po," mahina at nahihiya kong bati, hindi alam kung ano ang itsura ko ngayon.


Blangko akong tinitigan ng mama ni Camron pero hindi ko alam kung sa 'kin lang pero parang may talim din iyon.


"Bring her to our family dinner," sabi niya kay Camron at nilapitan ang mga magulang ni Brielle. "Let's go?" sabi niya sa ibang tono, mas palakaibigan at nakangiti pa.


Binalingan pa ako ni Senator Brine bago sumunod sa mama ni Camron at nag-usap sila. Nalipat ang tingin ko kay Brielle na nakatingin na pala sa 'kin.


"C-congratulations," sabi ko at ngumiti siya.


"Thanks, Tate," sagot niya at sinulyapan si Camron bago sumunod sa mga magulang niya at sa mama ni Camron.


"Ahm..." sabi ko at binalingan si Camron na nasa akin ang mga mata kanina pa. "H-hindi na 'ko sasama sa inyo. Wala pa 'kong tulog, e."


Kahit na isang dahilan talaga 'yon, ang totoo ay nahihiya akong sumama. Naka t-shirt at pantalon lang ako—taliwas sa pormal na pormal nilang ayos. Galing pa akong trabaho at malamang maputlang-maputla ang mukha ko.


"What?" si Camron na kunot ang noo. "But this is my graduation dinner, love. I want you to be there."


Kinain ako ng konsensya ko at natigil sa mga iniisip. Minsan na lang kaming magkita at graduation niya ngayon pero mas inuuna ko pa'ng mga iniisip ko.


Pumayag ako at kasama ko sa isang SUV si Camron at ang mama niya, hiwalay ang SUV nina Brielle. Naka-alis na ang toga ni Camron at hawak na lang 'yon, ngayo'y nakasuot na lang ng puting long sleeves at black slacks.


Agad hinawakan ni Camron ang kamay ko nang makarating kami sa bahay nila. Umuwi na siya sa mama niya pero minsa'y sa condo niya siya lalo na kapag pagod sa eskuwelahan dahil medyo malayo ang bahay nila mula sa LMU.


Sa dining area nila gaganapin ang graduation dinner nina Camron at Brielle. Maraming pagkain ang nakahanda—punung-puno ang mahaba nilang dining table.


Naka-upo sa kabisera ang mama ni Camron habang pumuwesto naman sa bandang kanan niya si Camron at ako sa kanan niya. Sa kaliwang banda naman ng mama niya ay si Brielle at ang mga magulang niya.


Tahimik akong kumakain matapos lagyan ng pagkain ni Camron ang plato ko. Sila nama'y nag-uusap tungkol sa magiging 2-year internship nina Brielle at Camron.


"Of course, Tito," magalang na sagot ni Camron sa papa ni Brielle. "I'd like to see your firm."


"But don't expect too much," ang papa ni Brielle. "It's just small and Architecture isn't really my field. I just built it for you and Bri. You've been together since you were in elementary and you even shared the same interest in Architecture!"

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon