chapter thirteen

4.3K 411 231
                                    

a/n: thank you, @phipolaris for the new cover! xx



"My Tate, wake up now! We've got so much activities to do today!"


Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Jash. Umupo ako at ikinusot ang mga mata ko para alisin ang antok ko.


Hindi ko alam kung anong oras na kami natapos kagabi basta pagkatapos ng inuman at laro nila ay umakyat na kami at bagsak kaagad sa kwarto.


"Late lunch na lang tayo over the pool area," sabi pa ni Jash.


Late lunch?


"Anong oras na?" tanong ko.


"11:48 kaya go and take a shower na," sagot niya.


Ngayon ko napansin na naka-ayos na pala siya. Kaninang kaunti pa siguro siya nagising kaya nakaligo at nakabihis na.


Bumangon ako mula sa kama at mabilis na naligo para hindi paghintayin nang matagal si Jash. Nang matapos ako, nagsuot ako ng plain white loose t-shirt at black shorts.


"Are you wearing a bikini underneath?" tanong ni Jash nang makalabas ako ng banyo, nakaupo siya may dresser at nagbo-blow dry ng buhok. "We're gonna swim after lunch."


Umiling ako. "Hindi, e. Wala rin ako no'n."


Kumunot ang noo niya at pinatay ang blow-drier. Tumayo siya at nagpunta doon sa may cabinet at may kinalkal sa mga damit niya.


"You should wear one even just now," sabi niya, patuloy pa rin sa ginagawa. "Gosh, naiwan ko ata 'yung spare ko!"


"Ayos lang," sagot ko at ako naman ang nag-blow-dry ng buhok. "Hindi rin naman ako nagsusuot ng bikini."


"Fine. Then, at least wear this spaghetti-strap top instead of your white shirt. Ma-e-emphasize nito 'yung body shape mo and it will also show your collarbones."


Kinuha niya 'yung blow-drier at inilagay sa kamay ko ang kulay puting spaghetti-strap top na sobrang nipis ng strap. Ganoon pa man, pumasok ulit ako ng banyo at isinuot 'yung damit.


"Perfect!" maligayang sabi ni Jash nang lumabas ako ng banyo. "Let's go!"


Meron nang naka-setup na mesa at mga upuan sa may pool area nang makarating kami ro'n ni Jash. May pagkain na rin at kami na lang ata ang hinihintay dahil kumpleto na sila.


"Finally!" sabi ni Rumi nang mamataan kaming papalapit. "Let's eat up! I'm freaking starving!"


Nagtagpo ang mga mata namin ni Camron na nakasuot ng white cut-off sleeves shirt at black shorts. Itinuro niya sa akin ang bakanteng upuan sa kaliwa niya at itinulak naman ako ni Jash bago siya umupo sa tabi ni Asher.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon