chapter five

4.4K 421 296
                                    

Nagluto ako ng almusal namin ni Jash habang tulog pa siya dahil after lunch pa ang unang klase niya samantalang alas nuebe naman ang akin.


Para hindi na ako bumili sa cafeteria mamaya, nagluto rin ako ng lunch na babaunin ko at inilagay 'yon sa itim na lunch tote ko. Siguro bibili na lang ako ng drinks sa cafeteria para hindi nakakahiyang kumain do'n lalo na't hindi naman ako bibili ng pagkain.


Dahil alas nuebe pa lang ang pasok ko, iblinow-dry ko 'yung buhok ko pagkatapos kong maligo. Pasado alas siete pa lang ngayon pero papasok na ako dahil magpa-pasa na 'ko ng article na ginawa ko kagabi para ipasa sa office ng TLMP.


Itinali ko ang buhok ko at nagsuot ng itim na long sleeves, bleach wash mom's jeans, at white sneakers. Pinalitan ko 'yung itim na backpack ko na maliit sa isang puting backpack na mas malaki dahil dala ko ang laptop ko.


Mamaya ay makukuha ko na 'yung passcode ko sa locker ko kaya mas mapapagaan 'yung mga dadalhin ko lalo na't balak ko ring manghiram ng libro mamaya sa library tungkol sa Philippine Democracy para maumpisahan ko nang gawin ang activity na nakalagay roon sa syllabus na ibinigay ni Prof. Bondoc.


"Thank you," sabi ng isang babaeng tumanggap ng printed article ko sa office ng TLMP, ang edad ay siguro nasa late 20's. "Tate Arisse Zacarias," basa niya sa pangalan ko bago nagbigay ng isang maliit na piraso ng post it note. "That's theschool paper's website. You may check in on it probably by the end of this week to know the results."


Tinanggap ko 'yon. "Salamat po, Ma'am."


"Call me Miss Chavez. I'm the adviser of the TLMP."


Nanlaki ang mga mata ko bago tumango. "Nice meeting you po, Ma'am."


"I like your article's topic. But I don't want to give you too much hope this early."


"Okay lang po. At maraming salamat po."


Tumango siya at nagpaalam na 'ko. Sana ay makapasok ako dahil sobrang makatutulong 'yon sa 'kin sa pag-improve ng sarili ko.


7:48 AM pa lang kaya pumunta na muna ako ng library. Inilagay ko ang mga gamit ko sa bakanteng mesa na nakita ko at nagpunta sa mga shelves kung saan ko hahanapin 'yung libro.


Malaki at malawak ang library ng LMU at puno ang mga shelves ng mga makakapal na libro. Malamig din at kahit na naka long sleeves ako ay nilalamig pa rin ako. Kaya halos lahat ng mga estudyante rito ay naka-jacket dahil air-conditioned din ang mga classroms.


Kinuha ko 'yung nakita kong libro sa Philippine Democracy at bumalik sa mesa ko. Inilabas ko ang laptop, yellow paper, at iba kong mga gamit at nagsimulang mag-type at gumawa ng activity namin.


"Shit, it's nearly 8 already, Cam," dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. "I have class at 8:30. I need to find the damned book now."


Nag-angat ako ng tingin at nakita sina Lewis at Camron na kakapasok lang. Nakasuot si Lewis ng red hoodie at faded jeans habang si Camron ay naka-white inner t-shirt, black jacket at black pants.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon