chapter sixteen

4.2K 412 0
                                    

Matagal kaming nagkatitigan ni Camron matapos niyang sabihin 'yon. Dinig na dinig ko rin ang kabog ng puso ko, na para akong mabibingi sa lakas nito.


"I'm sorry," nahihiyang sabi niya, ini-alis ang pagkakahawak sa mukha ko at nag-iwas ng tingin. "I know you find it too soon but... I meant it."


"Cam—"


"You don't have to say it back, Risse. I just want you to know what I feel."


"Pero—"


"It's fine, okay?" Tumingin siya sa 'kin at ngumiti nang maliit. "You said you'll cook for me, right? Go now. I'll stay and wait here."


Hinawakan ko ang mga pisngi niya at lalong tumindi ang kabog ng puso ko dahil do'n. Gano'n pa man, hindi ako bumitaw sa pagkakahawak sa kanya at sa titigan namin.


"Patapusin mo muna ako," marahang sabi ko. "Ayaw mo bang marinig ang sasabihin ko?"


"I don't want to pressure you by thinking I'm expecting an answer," sagot niya. "It's not a question—"


"Pero may sagot ako."


Alam kong bago sa 'kin ang mga bagay na ganito pero may sagot ako at sigurado ako sa nararamdaman ko. Sigurado ako sa kanya at kung sugal man 'to, buong puso akong tataya.


"What do you mean?" hindi makapaniwalang tanong niya, bahagyang naka-awang ang mga labi.


Napangiti ako at buong pusong sinabi ang mga katagang hindi ko pa nasabi kanino man maliban sa pamilya at mga kaibigan ko, "Mahal din kita, Camron."


Tinitigan niya ako na parang gulat na gulat siya. Hindi rin siya agad nakahanap ng mga salita na parang pino-proseso pa niya'ng sinabi ko.


"Shit," bulong niya at hinawakan ang mga kamay kong nasa mga pisngi niya. "Really?"


Nakangiti akong tumango at matapos siyang magulat, ngumiti rin siya at inalis ang pagkakahawak ko sa mukha niya, inilipat ang mga kamay ko sa batok niya.


"You love me?" tanong pa niya at natawa ako.


"Mahal kita," sinsero kong sabi at hinaplos ang batok niya.


Ngumiti siya nang malapad, dahilan para makita ko ang perpekto at puti niyang mga ngipin. Hinawakan niya ang mukha ko at yumuko siya para isandal ang noo niya sa noo ko.


"And I love you more, Arisse," bulong niya at mas inilapit ang mukha sa 'kin, nagtama na ang tungki ng ilong namin.


Kumabog ang dibdib ko nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko at inilapit pa lalo ang mukha sa 'kin na parang kulang pa ang lapit namin sa isa't isa.


Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at nakita ko ang pungay ng mga mata niya. Binasa niya pa ang mga labi niya gamit ang dila niya na mas lalong nagpatambol sa dibdib ko.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon