chapter ten (part 2)

4.3K 420 196
                                    

Mighty Nine

Eliana Alejos: Happy birthday, @Jash! See you later! Mwa


Charlie Sacueza: Happy birthday, @Jash. Looking forward to your treat later ehem shower us bottles in Revel, please


Lewis Dela Cuesta: Asher's gonna buy 4 bottles of Dom Pérignon later. Tamang show-off lang kay Jash hahahaha btw happy birthday, @Jash!


Ryker Farillon: Dom Pérignon?! Grabeng show-off naman! Kahit bottle of rum na lang sa 'kin, dude


Rumi Elodie Perez: @Ryker, galing mo mag-request ah hindi ka pa nga nag-greet kay Jash


Ryker Farillon: Wow, nag-greet ka na?


Rumi Elodie Perez: Already sent a pm. I know the word COURTESY


Natawa ako sa mga chat messages na nabasa ko. Sabado ngayon at birthday ni Jash. Papasok muna kami sa school dahil mamayang 9 PM pa ang start ng birthday celebration niya sa isang bar.


Sobra pa akong nagulat nang malaman na nagpa-reserve si Jash ng table namin sa bar na 'yon at dapat ay minimum of 30,000 ang order namin para maka-reserve ng table.


Bumangon ako mula sa kama ko at nag-hilamos sa banyo. Hindi pa gising si Jash nang lumabas ako ng kwarto ko kaya ipinagluto ko siya ng paborito niyang pancakes at inilabas din ang maliit na cake na binili ko kagabi para makapag-celebrate. Iniligay ko lahat 'yon sa dining table at ipinatong din ang regalo na nabili ko para sa kanya. Pointed heels ang binili ko sa kanya dahil pansin ko na palagi siyang nakasuot ng gano'n.


Ilang sandali lang, nang marinig ko na ang pagpihit ng door knob niya ay sinindihan ko ang kandila na nasa cake at pinagkanta siya, "Happy birthday to you..."


Nagulat siya at nanlaki ang mga mata niya kahit na hindi naman talaga bongga 'yung hinanda ko. Appreciative talaga siya kahit sa mga munting bagay lang. Pagkatapos kong magkanta ay itinuro ko ang kandila para hipan niya.


"Aww," sabi niya bago pumikit sandali at hinipan ang kandila. "Thank you, my Tate!" Inilagay niya 'yung cake sa mesa para mayakap ako. "Grabe! 'Di ko expect! Saan mo itinago iyang cake, ha?"


Natawa ako at niyakap din siya. "Ipinatago ko muna kay Mrs. Salvador. Kinuha ko nung natulog ka na."


"Sneaky!" Hinigpitan niya ang yakap niya bago siya bumitaw. "Thank you ulit! I really appreciated it!"


"Siyempre, para sa una at tunay kong kaibigan dito sa Manila."


"Aww, don't make me cry this early, please!"


Natawa ako. "Pero thank you talaga sa lahat, Jash. Enjoy ka ngayon. Para sa 'yo 'tong araw na 'to."


"I will and we will. Revel tayo mamayang 9 PM. Sasabay ka sa 'min ni Asher para wala kang kawala."

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon