chapter twenty-three

4.2K 410 0
                                    

"A-ano'ng ginagawa natin dito?"


Hindi siya sumagot at inalis ang seat belt ko. Gano'n pa man, hindi ako bumababa ng sasakyan niya dahil nagtataka... at kinakabahan ako.


Tinitigan niya ako at natawa bago bumaba at umikot papunta sa 'kin, pinagbuksan ako ng pinto. "Get down, love. You can't live there."


"A-ano ba'ng gagawin natin dito?"


"Can't tell you yet. Let's go."


"A-ayoko. Uwi na 'ko."


Tumawa siya ulit at hinila ako palabas hanggang sa elevator. Nagpumilit akong bitiwan niya pero tawa lang siya nang tawa hanggang sa nakapasok kami sa elevator.


Patindi nang patindi ang kabog ng dibdib ko habang pataas ang elevator. Hawak ni Camron ang kamay ko at base sa repleksyon niya sa salaming elevator, nakangisi siyang nakatingin sa 'kin.


"What are you thinking?" asar niyang bulong sa napapaos na boses at halos tumindig ang balahibo ko dahil sa mga pumasok sa isip ko.


Ang nangyari sa balcony niya no'ng Valentine's... Ang nangyari sa dati kong apartment no'ng birthday ko... Nag-init ang mga pisngi ko nang maisip na mangyayari ulit iyon. Pulang-pula na ang pisngi at tinawana ako lalo ni Camron.


"Damn, you're so cute," sabi niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Didn't know my girlfriend's dirty minded."


Nanlaki ang mata ko at napabaling sa kanya. "Hindi, ah—"


"It's okay, though. I like what you're thinking."


Lalong umusok ang pisngi ko at nagharumentado ang puso nang nasa tamang palapag na kami. Hawak pa rin ako, lumabas kami mula sa elevator at huminto sa tapat ng unit niya.


"Ready to live what you're thinking?" biro niya habang itinitipa ang passcode niya.


Anu-ano nang iniisip ko at hindi nakatutulong ang pang-aasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan lang niya ako ulit bago itinulak pabukas ang pinto niya.


Madilim ang condo niya kaya wala akong masyadong maaninag—anino lang ng mga gamit niya na naliliwanagan kahit kaunti ng mga matataas na buildings mula sa katabi.


Binitawan ni Camron ang kamay ko at ilang sandali lang ay may mga mini lights na sumindi. Sa living area niya iyon kaya doon ako kinaina ng hiya dahil sa mga iniisip ko kanina.


Naka-ayos ang living area niya. Ang buong parisukat na carpet ay napapalibutan ng mga ilaw at may nakapatong sa center table ng isang puting square plate na may nakasulat na happy anniversary gamit ang chocolate syrup. Sa gilid ng plato ay may glowing rose na nakapaloob sa isang salaming lalagyan. At ang kukumpleto roon ay isang wooden box na may naka-ukit na pangalan ko.


Arisse


Gulat na gulat akong napatingin kay Camron na nakatingin na rin sa 'kin, binuksan ang mga braso kaya mabilis akong dumalp sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon