chapter twenty-one

4.2K 410 1
                                    

Malungkot kami ni Jash sa huling araw ko sa apartment namin. Tapos na ang unang school year ko sa LMU at tulad ng sinabi ko kay Mama, sa Pampanga ako ng dalawang buwan at bago ang pasukan, lilipat ako sa isang bedspace.


"We'll keep in touch, okay?" sabi ni Jash nang dumating si Camron. Ihahatid niya ako sa 'min at nagsimula na siyang ilagay ang mha gamit ko sa sasakyan niya dahil marami iyon. Lahat na kasi ng mga gamit ko iyon.


"Oo naman," sagot ko. "Kapag may libre kang oras, manood ka ng cooking tutorials sa YouTube, ha. 'Wag puro take-out ang kainin mo."


Ngumuso siya. "I'll really miss you. I want to go with you sa Pampanga."


Niyakap ko siya dahil mas nalulungkot ako lalo. Siya ang naging kapatid ko rito sa Maynila at parang malaking pagbabago para sa 'kin ang gagawin kong paglipat sa isang bedspace dahil nakasanayan kong kasama ko si Jash sa apartment.


"Mami-miss din kita," sabi ko. "Kung pwede lang kitang isama sa 'min." Tiningnan ko siya habang nakayakap pa rin sa kanya. "Ayaw mo ba talagang umuwi na sa inyo? Para hindi ka rin mag-isa rito."


Tinitigan niya ako at nakita ko ang pangingilid ng luha niya. "Gosh, I'll miss you so much, my Tate. I love you so I'll try to come home. Hindi na ako sanay mamuhay mag-isa."


Napangiti ako. "Masaya ako para sa 'yo."


"You and your good heart! I hope Mom will meet you soon. I'll try to fix my relationship with her and be a good daughter like you so she gets to meet you."


Tumango ako, natuwa sa desisyon niyang uuwi na siya. Nagyakapan pa kami bago nagpaalam ulit sa isa't isa nang matapos si Camron dalhin ang mga gamit ko sa sasakyan niya.


Nagbakasyon ako sa Pampanga ng dalawang buwan.


At sa panahong iyon, namulat ako sa totoo naming kalagayan. Nasaksihan ko lahat ng itinago ng pamilya ko sa 'kin tungkol kay Papa.


Lahat.


At parang nadudurog ako ro'n.


"Ano pong madalas na ginagawa sa dialysis?" tanong ko sa doktor ni Papa habang nasa kwarto ni Papa sina Mama.


Pinilit ko talagang habulin si Dr. Villegas dahil sa pananatili ko rito sa Pampanga ay halos pangalawang tahanan na ni Papa ang ospital.


"We're removing fluid and stool that the patient's kidney cannot put out," sagot ni Dr. Villegas. "Dapat kasi kung gaano ang pinapasok sa katawan ay moderate naman ang inilalabas. Not too much or not too low."


"Mabuti naman po ba ang dialysis?" siyasat ko pa. "Ano po'ng magiging kundisyon ni Papa pagkatapos no'n?"


"The dialysis helps the patient's kidney to balance the intakes of fluids. However, your father might feel fatigue, muscle weakness, and might lose weight after undergoing dialysis."

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon