chapter twenty

4.2K 411 4
                                    

Lalo kong pinag-igihan ang pag-aaral ko dahil ayokong ma-disappoint sina Mama lalo na't may sakit si Papa.


"Gumagaling ka nang sumayaw, ha," biro ni Magnus habang nagpapahinga kami saglit. "Sabagay, nadadala ka ata sa 'kin."


Pabiro ko siyang nginiwian. May practice kami ngayon ng ballroom dahil malapit na ang performance namin. Ka-partner ko si Magnus at nagyayabang na naman siya ngayon.


"Ang sakit nga ng paa ko," sabi ko. "Ilang beses mo nga ulit akong natapakan?"


"Sinungaling. Ako nga lang nagdadala sa 'tin, e. Ilibre mo dapat ako pagkatapos ng performance natin."


"Dami mong sinabi. Bilhan mo na lang ako ng painkillers kasi nabugbog ata paa ko dahil sa 'yo."


Nagtawanan kami at kalaunay'y nagpatuloy ulit sa practice. Nagyayabang lang siya na marunong siyang sumayaw dahil hindi naman talaga. Matigas din ang katawan niya katulad ko kaya halos pagtawanan kami ng mga kaklase namin dahil nag-pares pa talaga kaming dalawa.


"So, what do you want to have that you don't have yet?" random na tanong niya habang nagpa-practice kami ng steps.


"Ha?"


"Bibigyan kita."


Kumunot ang noo ko. "Para saan naman? 'Tsaka wala akong masasagot."


"Yeah, right. You're not materialistic. I'll just ask Ate and Mom."


Tinitigan ko siya habang kunot pa rin ang noo ko. "Ang weird mo."


"Mas weird ka. Nakalimutan mo birthday mo. April 21."


Nagulat ako ro'n. Birthday ko na... next week. Ni hindi ko namalayan iyon dahil sa dami naming ginagawa.


"Iyan napapala ng palaging nagche-check ng course syllabi," sabi niya, pabirong umiiling. "Nakakalimutan ang sariling birthday. Pasalamat ka may kaibigan kang katulad ko."


Natawa ako at na-appreciate dahil alam ni Magnus ang date ng birthday ko. Kaya pala nagtatanong siya kung ano'ng gusto ko.


"Execute the butterfly step!" utos ni Leigh sa buong klase kaya 'yon ang ginawa namin. Medyo mahirap 'yon kaya tawa kami nang tawa ni Magnus.


"Damn, I hate PE," reklamo niya nang 'di makuha ang steps. "Mabuti na lang sports na next year. Tanginang sayaw 'to."


Pagkatapos ng practice namin ay pumunta ako sa office ng TLMP. Kaya nagsisikap din akong gawin nang advance ang iilan sa mga written works namin ay dahil gumagawa rin ako ng mga articles para sa TLMP.


Sumabay ako kina Iris pagkauwi at pagod na pagod ako nang makarating sa apartment. Wala pa si Jash at kung abala ako sa school, mas abala siya lalo na't third year na siya. Minsan, hindi na kami nakakapag-sabay maghapunan dahil sobrang late na niyang umuwi.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon