chapter eleven

4.3K 414 274
                                    

"I'm really sorry, my Tate," nakangusong sabi ni Jash.


Nasa kusina ako at nagluluto ng tanghalian namin habang nasa dining table naman siya, nakatingin sa 'kin nang nakanguso. Halos kagigising lang namin dahil madaling araw na natapos ang party niya sa bar.


"Hindi ko naman sinadyang sabihin kay Cam 'yung hindi niya pagsabi ng panliligaw niya sa 'yo," dugtong ni Jash. "Nainis lang ako kagabi kasi kung maka-asta parang boyfriend mo eh wala ngang sinasabi. Tapos... lasing pa ako."


Tinitigan ko siya. Mas humaba naman ang nguso niya. Hindi naman ako nagtatampo pero simula pagka-gising niya, sorry siya nang sorry.


"Tapos na 'yon," sabi ko at binalingan ang niluluto kong Nilaga. "Kaya okay na. Huwag ka nang mag-sorry diyan."


"Still," sagot niya at mukhang tumayo dahil narinig ko ang pag-atras ng upuan. "By the way, what happened last night? Sorry din kung nabitawan kita."


"Hindi mo naman kasalanan." Bumaling ako sa kanya na nasa kusina na rin, nakasandal sa kitchen counter.


"So..." Ngumisi siya. Napa-iling naman ako dahil parang kanina lang ay nakikiusap siya. "What happened between you and Cam? Pulang-pula kayo pagbalik ng couch, e."


Naramdaman ko ang pag-usok ng mukha ko kaya binalingan ko ang niluluto ko. "H-hindi naman."


"Aww, my Tate's shy!" Lumapit siya sa 'kin at nasa tabi ko na siya ngayon, handang-handa nang asarin at gisain ako. "Ang tagal niyong nawala kagabi, ah? Kabadong-kabado pa 'ko kasi nabitawan kita kagabi. Pagbalik ko sa couch, wala ka pa rin—pati na si Cam."


"Nang mabitawan mo kasi ako kagabi may lumapit sa 'king lalaki. T-tapos hinila lang ako ni Camron paalis sa dancefloor."


"What's with stuttering? I think hindi lang 'yon 'yung nangyari! Ang tagal niyong nawala' Kung ako lang, I'll think you made out somewhere."


Nanlaki ang mga mata ko—naalala 'yung pagdampi ng mga labi ni Camron sa akin kagabi. Magkadikit lang ang mga labi namin sa isa't isa at walang gumagalaw sa 'min. Bukod sa malambot niyang mga labi, ramdam ko no'n ang pagtambol ng dibdib ko.


Siya... ang unang halik ko.


Ilang segundo lang nagtagal iyong halik niya at pagkalayo niya nang bahagya sa akin ay hindi kami makahanap ng salita. Mabilis ang pag-hinga namin habang magkatitigan at alam kong pulang-pula ang mukha ko kagabi—na kung saan pansin ko rin ang kanya.


Pagkatapos ng matagal naming pagkatitigan at katahimikan ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa couch namin.


"Omg!" saad ni Jash at pinakatitigan ako. "What's with the face? You're blushing, my Tate! Omg, omg, you made out? You made out with Cam? How was it? Matagal? With tongue?"


"H-hindi," sagot ko. "H-hindi naman matagal. Dampi lang."


Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon