chapter twenty-five

4.3K 411 2
                                    

"Nasa waiting list naman na ang papa mo," alo ni Mama matapos kong magpa-test bilang kidney donor pero na-reject.


"Hindi ko maintindihan bakit na-reject, Ma," sagot ko, naupo dahil sa panghihina. "Hindi raw po ako physically fit. Puwede po bang rason iyon?"


"May risk kasi kapag nag-donate ka ng kidney kaya siguro kailangang malakas ang pangangatawan."


Napasapo naman ako sa mukha ko. Pa'no na?


"Anak," tawag ni Mama bago ako tinabihan at pinag-angat ng tingin sa kanya. "Okay ka lang ba? Ang laki ng ipinayat mo at sobrang putla mo. Kumakain at natutulog ka pa ba?"


"Paano na po niyan, Ma?" tanong ko, hindi sinagot ang tanong niya. "A-ano po'ng mangyayari kay Papa? Ano na po'ng gagawin natin?"


"Habang wala pang donor, itutuloy pa rin ang dialysis niya."


"Pero hindi na po tinatanggap ng katawan niya ang ginagawa sa dialysis..."


"Pero hindi rin puwedeng wala tayong gawin."


Naiyak ako at niyakap naman niya ako. Ang hirap-hirap. Ang hirap nang walang magawa at ang hirap makita si Papa na nahihirapan. Nagpatuloy ang dialysis niya pero parang walang tulong 'yon. Madalas, hirap siya sa paghinga at masakit din daw ang katawan niya. At ang pinakamalala na hindi namin kayang makita ay ang paninikip ng dibdib niya.


"Shortness of breath is one of the complications of kidney failure," sabi ni Dr. Villegas. "The patient's already withdrawing from the dialysis and if the chest pain occurs more, I'm sorry but it may lead to cardiac arrest."


Nanghina kami nina Mama dahil sa dagdag na sakit pa sa bugbog naming emosyon. Naka-confine na sa ospital si Papa para mas ma-monitor siya at sa isang linggo pananatili ko rito, mas wala akong nakukuhang tulog dahil sa pagbabantay hindi lang kay Papa, maging kina Mama at Tash.


"Anak, isang linggo ka na rito," sabi ni Mama habang kumakain kami ng pagkaing binili ni Tash sa labas para sa tanghalian namin. "Kailan ka babalik ng Maynila?"


Natigil ako sa pag-kain. Sa isang linggong pananatili ko rito, hindi ako pumapasok sa eskuwela at trabaho. Hindi ko na rin nahawakan pa ang cellphone ko simula no'ng umuwi ako rito at baka na-drain na 'yon ngayon. Huling text ko ay si Camron na sinabihan kong nasa Pampanga ako at pinaka-bilinang huwag sumunod dito.


Ayokong sumunod siya rito dahil balak kong magtagal dito. Balak kong...


"Dito po muna ako," sagot ko habang 'di tumitingin kay Mama.


Balak kong dumito na lang. Balak kong huwag nang bumalik sa Maynila.


"Ano'ng mangyayari sa pag-aaral mo?" tanong ni Mama, ramdam ko ang titig niya sa 'kin. "Huling taon mo na sa susunod na pasukan."


"Dito..." sabi ko at mabagal siyang tiningnan. Wala pa akong sinasabi pero mukhang alam na niya ang sasabihin ko dahil mukhang dismayado na siya. "Ma, dito na lang po ako," sabi ko sa halos pagmamaka-awang tono.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon