chapter fifteen

4.2K 413 6
                                    

Mabagal akong umakyat para balikan si Magnus sa classroom. Hindi ko na nahabol pa si Camron dahil sobrang pagod na rin ako ngayong araw. Mula umaga ay nandito na ako sa school para sa practice namin at nagklase pa kami pagkatapos.


Habang nasa biyahe kami ni Magnus papunta sa kanila ay tinext ko si Camron. Ayokong matapos ang araw na 'to na ganito kami. Tulad ko, baka pagod siya sa school kaya gano'n ang nangyari sa pag-uusap namin.


To: Camron Vista
Mag-usap tayo, please. Sorry talaga, kailangan lang namin mag-practice ni Magnus. Last na rin naman 'to.


Tahimik lang si Magnus na nagmamaneho habang maya't maya naman ang pag-check ko sa cellphone ko. Hindi talaga nagre-reply si Camron.


Ipinasok ni Magnus ang sasakyan niya sa isang automatic gate ng isang malaking bahay. Hindi ko alam kung bahay ba 'to o mansyon. Sobrang laki nito at moderno ang istilo at disenyo. Gawa sa salamin ang haligi kaya nakita ko agad ang pagka-elegante ng loob ng bahay nila.


"Let's go," sabi ni Magnus kaya itinago ko ang cellphone ko at sumunod sa kanya.


Pumasok kami sa isang malapad na double doors at pagkapasok ay bumungad sa akin ang malawak na loob nito. Makintab ang puting tiles ng sahig at agaw-pansin ang engrande nilang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay nila. Dagdag pa ang sosyal at malalaking mga chandeliers sa ceiling na lalong nagdagdag liwanag sa bahay nila.


"Dito ka muna," sabi ni Magnus at iminuwestra sng puti nilang sofa sa living area. "I'll just check Ate."


Umakyat si Magnus habang umupo naman ako. Habang naghihintay, hindi ko maiwasang tingnan ulit ang cellphone ko. Wala pa ring reply.


Itinago ko ang cellphone ko nang makarinig ako ng mga yabag pababa. Hindi mag-isa si Magnus dahil may kasama siyang kamukha niya pero babae—maputi at matangkad din tulad ni Magnus.


"Hey," nanghihinang tawag ng babae nang makita ako. Hula ko'y siya ang ate ni Magnus at kahit medyo maputla dahil may lagnat ay matingkad pa rin ang kagandahan niya.


"Good evening po," bati ko at tumayo mula sa pagkaka-upo.


"Drop the po." Naglahad siya ng kamay. "I'm Maddisson, Magnus's sister. You can call me Ate Mads or Ate na lang."


Ngumiti ako pabalik at tinanggap ang kamay niya bago nagpakilala rin.


"Go back to your room now, Ate," sabi ni Magnus bago umupo sa sofa. "Nandito na 'ko, okay? Magpa-practice lang kami ni Tate dito sa sala."


"All right." Bumaling sa 'kin ang ate niya. "By the way, Tate, thank you for letting Magnus come home early and to have your practice here instead. When I'm sick kasi, I don't want to be left alone and I always seek for him."


Tumango ako. "Ayos lang po. Magpagaling po kayo."


"Thank you. Kung may kailangan kayo ask for Manang Len na lang." Bumaling siya kay Magnus. "Mom, Dad, and Kuya might be home in an hour or so, Magnus. Sabay-sabay na tayong mag-dinner no'n."

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon