chapter twenty-two

4.2K 409 1
                                    

Si Magnus.


"O-okay lang ako," sagot ko at mabilis na humiwalay sa kanya, pilit na ngumiti. "Kailangan ko pang pumasok sa trabaho, e."


Seryoso siyang nakatitig sa 'kin, pinapanood ang bawat kilos ko. Kalaunan, huminga siya nang malalim at kinuha ang bag ko. Inayos niya ang mga gamit ko habang naagaw naman ng pansin ko ang nanonood sa 'min na si Seffi, nakangisi.


Sa kasamaang palad, blockmate ko na rin siya kasama ang mga kaibigan niya. Madalas nakangisi siya laging tumitingin sa 'kin, pero sa ngayon, wala akong lakas at wala sa kalagayan para pansinin siya.


"You're not okay," sabi ni Magnus at kinuha ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "We'll grab you an ice cream and I'll drive you home and then your work. End of fucking discussion. Let's go."


"T-teka," pagpigil ko pero mahigpit ang hawak niya at hinila ako palabas ng classroom hanggang sa parking space kung saan naka-park ang puti niyang BMW.


"I know it's not totally okay, Tate, but think of the positive side," sabi ni Magnus habang nagmamaneho. "Wala pang result pero pinapangunahan mo na. Nakakuha ka ba ng zero?"


"Wala akong nasagot kahit sampu lang," bulong ko. "Hindi ko alam kung naka limang puntos man lang ako."


"Okay, lesson learned, then. But there's a next time. It's just one quiz. Bawi ka sa PETA?"


Huminga ako nang malalim at pilit pinalakas ang loob ko. Tama si Magnus. Isang quiz nga lang iyon. Kailanga'y bumawi ako sa mga performance tasks para mahila iyon.


Pagdating namin sa apartment ay sa sala ulit siya naghintay habang naghanda naman ako. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang matapos ako, tumulak na kami ni Magnus paalis.


"Stay here," sabi niya pagkaparada niya ng sasakyan niya sa isang convenience store.


Pinanood ko ang pagbaba niya at pagpasok sa store. Pagbalik niya ay may dala siyang medium-size ice cream tub na chocolate flavor at ibinigay iyon sa 'kin.


"Kainin mo habang nasa biyahe," sabi niya habang nagsi-seat belt. "Mare-relax ka riyan at chocolate para magka-energy ka lalo na magta-trabaho ka pa."


"Maraming salamat, Magnus," mahina kong sabi. "Pero 'wag mo na 'ko ihatid ulit sa susunod. Nakakahiya na."


"Ayos lang 'yon. Kaysa naman sa bahay lang ako at walang ginagawa kundi mag-alala sa 'yo." Sumulyap siya sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa daan, namumula ang tenga niya. "S-siyempre kaibigan kita. Kapag nalaman nina Thea at Lucy 'to, mag-aalala rin ang mga 'yon."


"Alam ko."


Kaya hangga't kaya ko, wala akong pinagsasabihan. Maging si Camron ay hindi ako nagsasabi. Lalo na sa pamilya ko.


Kaya ko pa naman.


Nakarating kami sa trabaho ko at kalahati pa lang ng ice cream ang nakain ko. Nag-park si Magnus at inalis ko ang seat belt ko.

Apart but ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon