Albay 2

142 13 0
                                    

Enrollment

Nagising ako sa tilaok ng mga manok mula sa labas at ingay ng mga baka mula sa rancho na 'di kalayuan sa mansion.

Dumilat ako at nakitang madilim pa sa labas, nagkusot ako ng mga mata at naghikab bago tumingin sa aking alarm clock na hindi pa nag-aalarm.

I checked my phone and I saw a hell of notifications. I checked every each of them and I saw Tita Tatiana tagged me on a post.

My niece, Maria Chantelle Figueroa, the only daughter of Governor Sebastion Figueroa of Albay graduated valedictorian in her high school. She is the epitome of beauty and brain. Congratulations to your remarkable success, my dear!

She posted the picture she took yesterday inside my recording studio.

Alas-cinco palang ng madaling araw at alas-tres ang natural na gising ko kaso napuyat ako kagabi.

Bumangon ako para maghilamos at magbihis. Nagsuot ako ng jacket dahil malamig at mahamog sa labas.

Dumiretso ako sa kusina at may naririnig akong nag-uusap, nang makarating ako sa comedor ay nakita ko si Kate at Cristlyn na nasa counter at kumakain.

Cristlyn is one of my father's bastard—no, not the right term. Illegitimate child, I meant. She's only ten years old and pretty like her mother who abandoned her.

Isipin mo ikaw na ang kumabit, ikaw na ang nagpabuntis tapos iiwan mo pa ang anak mo sa ama niya na may sariling pamilya? Hypocrite.

Lumapit ako sa kanila at nang makita ako ni Kate ay agad niya akong binati.

"Magandang umaga po, Ma'am" She greeted.

"Good morning, too" I greeted back.

"Magandang umaga, Ate!" Maligayang bati sa akin ni Cristlyn at may tira-tira pang gatas sa labi.

"Magandang umaga rin, Lyn" I smiled at her.

"Anong kinakain niyo?" Lumapit ako sa counter at nakitang kumakain sila ng pancakes.

"Pancake, Ate. Luto ko!" Magiliw sabi ni Cristlyn.

"Wow! Marunong na pala magluto ang baby namin!" Ani ko.

"Tinuruan po ako ni Ate Kate" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya kaya napatango nalang ako.

"Si Papa nga pala?" I asked Kate na nagulat sa tanong ko.

"Nasa kabalyerisa po" Sagot niya.

"Sige, puntahan ko lang" I said and turned around to leave.

Pumunta ako sa kabalyerisa kung nasaan daw si Papa. Madaling araw palang ay gising na ang mga tao rito sa probinsya, ibang-iba sa siyudad na nakagisnan ko.

Sa hindi kalayuan ay tanaw ko na ang kabalyerisa o ang mga kwadra ng kabayo. Madilim pero maliwanag sa mga kwadra dahil nga siguro nandoon si papa.

Nang makalapit ako ay may tatlo pang tauhan na kasama si papa at tila may pinagkalaguluhan sila sa loob.

Pumasok ako sa kabalyerisa at may nakitang isang kabayo na nakahiga sa loob ng kanyang kwadra, what the heck happened?

"Pa" I called his attention. Bumaling si Papa sa akin habang nakapamewang at tila nagulat nang makita ako.

"Anak, gising ka na pala" Aniya.

"Pa, ano pong nangyari?" I asked him and then looked at the poor horse who's lying on the ground of his stable.

"Namatay na" I was shocked of what our tauhan said.

"I thought he was just s-sick" Nauutal kong sabi. This is the first time I see a horse died in our care.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon