Albay 3

101 12 0
                                    

Classmate

Madaling araw palang ay naggayak na ako para sa unang araw ng klase.

I fixed my things after I took a bath and then went down the kitchen to eat my breakfast. Marami na ang katulong na nasa comedor na naghahanda nang umagahan.

I'm not too excited since si Crisha lang naman ang kilala ko sa Bicol University at si JC and then wala na. Last two quarters of my tenth grade lang naman ako lumipat dito sa Albay and the rest of my school years were in Manila and America.

And now I chose to finish my senior high school and college here in Bicol because I also want to help my family in our businesses.

Nagsalin ako ng gatas sa baso mula sa kahon nito na may tatak na F Dairies which is our dairy brand.

It was established in 1990. This Dairy company was my father's gift to my mother for their first wedding anniversary. They used to be sweet and fond of each other pero habang nagbabago ang mundo ay nagbabago rin ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Nagpalaman ako ng butter sa aking tinapay at umupo sa mesa para kumain. Masyado pa kasing maaga kaya siguro tatambay muna ako sa loob ng bahay.

But later on, Crisha went inside the kitchen while yawning and still seemed sleepy. She's still wearing her pajamas and haven't fixing herself yet, mukhang puyat pa siya. Hmm, ano kayang pinagpupuyatan nito?

"Bread?" I offered but she shook her head.

"Magkakanin ako" Tamad siyang kumuha nang kanin at ulam at walang ganang umupo sa harap ko.

"Any problem?" I asked her and bit the bread.

"Inaantok pa ako" She yawned and covered her mouth.

I looked at the wall clock and it's currently five in the morning and our classes is at eight o'clock so we still have time to prepare.

"Si JC nga pala?" I asked her and drank my milk.

"Nasa BUCENG yata" She sleepily answered me.

Most of the university's important activities are held in that gymnasium, amongst all the gymnasium the BUCENG is the most developed. It has two basketball rings, a stage, high quality air-conditioned units and bleachers spelled out BU.

"Anong ginagawa niya roon?" Tumayo ako para ilagay sa lababo ang platitong ginamit ko at naghugas ng kamay.

"Nagbabadminton" Simpleng sagot niya.

"Bakit? Training ba nila? Ang aga naman masyado" Nagpunas ako ng kamay at lumapit kay Crisha.

"Aba'y ewan ko wala naman akong pake ron" Nagkamot siya ng ulo at mukhang iritable pa.

Nagkibit balikat ako at umakyat muli sa aking kwarto para mag-ayos na ng sarili.

"Daanan daw natin siya sa BUCENG!" Narinig ko ang sigaw ni Crisha pagkasara ko ng pintuan ng aking kwarto.

Humilata muna ako sa kama at tumitig sa kisame, naghikab ako at nagkusot ng mata, first day na first day nakakatamad pumasok.

*****

Binaba kami ng driver sa harap mismo ng BUCENG Gymnasium bago kami pumasok sa school ni Crisha. Dala ko ang aking small backpack at isang envelope kung nasaan ang mga requirements and needs ko for my first day.

Pumasok kami sa loob at bumungad ang mga lalaking naglalaro ng badminton kung saan nandoon din si JC na nakasuot ng aquamarine and white badminton jersey.

"Eyy, cousins!" Sigaw ni JC nang makita kaming pumasok sa gym.

Agad naman siyang lumapit sa amin at nakaambang makikipag-high five kay Crisha na agad na binato sa kanya ang isang paper bag.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon