Albay 45

93 6 0
                                    

I love you

"They're bashing you, Chantelle" Ani Papa habang kumakain kami ng aming late dinner. Galing siya sa trabaho at ganon din kami ni Joaquin.

"Yes, Pa, I know" Ani ko habang kumakain.

"You want a fame like this? Sumisikat ka dahil sa issues?" Sarcastic na sabi ni Papa.

"Matagal naman na po siyang sikat—" Papa cut Joaquin off.

"I'm not talking to you, boy" Pinigilan kong matawa sa harapan nila lalo na't nasa harapan ko si Papa at katabi ko si Joaquin.

Yumuko si Joaquin at nagpatuloy sa pag kain habang si Papa ay may balak na sermonan ako sa harap ni Joaquin.

"Pa, hindi naman lahat binabash ako, may iba rin naman na sinusuportahan ako" Ani ko.

"'Yong Joyce, sino 'yon?" Seryosong tanong ni Papa.

"Ex girlfriend po ni Joaquin" I bit my lower lips.

"Ex mo?" Binalingan ni Papa ng tingin si Joaquin na agad tumuwid ng tayo na parang military superior niya ang kausap.

"Opo. Nakipaghiwalay na po ako para kay—" Papa cut him again.

"Ang tanong ko lang ay kung ex mo, hindi ako humingi ng eksplenasyon" Ani Papa sa kanyang baritonong boses.

"Ito 'yong pinagpalit mo kay Inigo?" Sunod na bumaling sa akin si Papa.

"Naging kami noon 'di ba pa? Tapos nag-amerika ako—" Kinamot ko ang aking kilay.

"Ang tanong ko ay ito ang pinalit mo sa fiancé mo?" This is really embarrassing.

"Opo" Tipid kong sagot.

"I'll give you reasons why I don't like this boy for you" Mariin kong pinikit ang aking mga mata.

"First, he's not into politics or business, if ever na you'll get married one day ano ang maitutulong niya sa negosyo natin? O sa bayan?" Pinagsiklop ni Papa ang kanyang mga daliri at ipinatong ang mga siko sa mesa.

"First, we're both into showbiz Pa and we have lots of similarities like singing or modeling or whatsoever chuchu. Pa, at least hindi drug lord ang nagustuhan ko" Paliwanag ko at bumaling kay Joaquin na nagpipigil ng tawa.

"Is there something funny, hijo?" Baling ni Papa kay Joaquin na biglang sumeryoso at umiling.

"Hindi nga drug lord ang nagustuhan mo mukha namang drug pusher, look tumatawa mag-isa" Pinigilan ko ang aking tawa kahit seryoso si Papa.

What the heck? I don't know kung sinasadya ni Papa na patawanin kami o seryoso talaga siya.

"Second, maputi ka at moreno siya" Nilahad ni Papa ang kanyang kamay sa aming dalawa na parang kinukumpara.

"Pa! Racist ka!" I laughed.

"Kidding" Malamig na sabi ni Papa.

"Ang pangalawa ay masyado siyang gwapo para sa'yo anak, look at yourself, saan ka ba pinaglihi ng Mama mo?" Umuwang ang bibig ko sa sinabi ni Papa.

"Deborah! Saan mo ba pinaglihi itong anak mo?" Tanong ni Papa sa papalapit na si Mama.

"Ha? Mango milkshake, bakit?" Tugon ni Papa paglapag ng mga panghimagas sa mesa.

"Mango milkshake? Eh bakit ganyan?" Papa looked serious but he's not. He's always making fun of me and hinahayaan ko na dahil ang lambing niya ay pang-aasar.

"Baka po pineste 'yong manga" Nilingon ko si Joaquin na noong tinignan ko ay biglang tinago ang mga ngiti.

"Ewan, baka panis 'yong gatas na ginamit" Ani Mama at nagkibit balikat.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon