Albay 9

57 13 0
                                        

Discussion

Nahatid ko na si Joaquin sa labas ng bahay, buti nalang at tapos na kaming kumain nang dumating sina Papa at Tita Tatiana, maiigi na rin 'yon para wala na silang gawing interview kay Joaquin.

Nagpaliwanag naman ako kung bakit nasa bahay si Joaquin at bakit ko siya kasama, mukhang kumbinsido naman sila sa sinabi ko kaya pagtapos ko ihatid si Joaquin ay na linis na ako ng katawan para dumiretso sa kama at makapagpahinga na.

Anong oras na at gising na gising pa ang diwa ko, paikot-iko lang ako sa kama at hirap makatulog, okay lang naman na mapuyat ako ngayon since sabado na bukas at walang pasok, mayamaya pa ay nagvibrate ang phone ko sa aking side table.

Inigo Imperial (BU):
-Still awake?

Me:
-Yup

Inigo Imperial (BU):
-Tomorrow I'll fetch you after lunch, would it be fine if sa mall?

Me:
It will do

Inigo Imperial (BU):
Goodnight sleep tight.

Me:
Goodnight din :>

Binaba ko na ang aking phone at pinilit na matulog para sa panibagong araw.

Buti nalang at hindi ako nahirapan magkaroon ng mga kaibigan sa BU, hindi rin naman ako introvert pero may ibang mga tao talaga na ayaw sa akin, siguro dahil hindi nila ako trip or naiinggit sila sa akin.

Ngayong school year ay na isipan kong hindi muna ulit pumasok sa showbiz dahil gusto kong magfocus sa studies dahil up coming college na ako sa susunod na pasukan at kailangan kong pag butihin ang aking pag-aaral bago ang career.

Hindi naman kawalan sa akin ang pagsali sa mga contest at pag eksena sa mga palabas dahil mayaman naman kami at kaya kaming itaguyod ni Papa sa araw-araw.

Singing, acting, modeling and dancing are just my hobbies and its not hard to leave for my studies.

Education is 'one' of the most important thing in life but its 'not the only' key for success, you can succeed without education but without the hard work and without God you can't.

*****

Gumising ako dahil sa sinag ng araw, napapikit ako at nag kusot ng mata bago bumangon sa aking kama.

Alas-once na ng umaga, tinanghali ako ng gising dahil napuyat ako kagabi, inatake na naman siguro ako ng insomnia.

Dumiretso ako sa banyo para maligo na at pagtapos non ay nag-ayos na ako ng sarili.

Simpleng skirt at crop top ang nakuha ko sa aking closet pero binalik ko rin agad at pinalitan ng ling sleeve na dress dahil baka conservative ang lalaking 'yon.

Hindi rin ako masyadong nagpaganda dahil may girlfriend 'yon at baka mafall pa sakin, char.

Dumiretso ako sa hapag ng naka simple fitted yellow dress at beige sandals, hindi ko rin kinapalan ang makeup ko dahil makapal na ang mukha ko.

Kumpleto ang aking hampaslupang pamilya sa hapag, charot they are not slapsoils, si Kuya Calvin lang pala.

So ayon na nga dumiretso ako sa hapag at kumpleto silang lahat, agaw pansin si Crisha na mukhang walang gana dahil parang namimilipit sa sakit ng puson.

Napansin nila agad ang pagdating ko sa comedor dahil ng standout ang kulang ng akin damit.

"May lakad lang po kami ni Inigo, discussion about our report on Monday" Paliwanag ko agad pag-upo.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon