Fear
Dalawang oras ang byahe simula Bacacay papuntang Sorsogon at sa buong byahe ay umiiyak ako, nagtatanong sa sarili kung bakit, paano kaya kung, paano kung at kung ano pang pwedeng itanong kung bakit kami umabot ng ganito ni Joaquin.
I left my car in front of Inigo's mansion, our mansion I mean and let our driver to park it in our garage.
He already built a mansion for us so once we get married hindi na kami makikitira sa bahay ng mga magulang niya o sa bahay ng mga magulang ko.
Inigo was always thinking for our future together while I'm busy thinking about myself. Joaquin's right, I am selfish even before, kaya siguro ako lang din ang nakakadama ng sakit ng nakaraan kasi naging makasarili ako.
Alas-once impunto na ng gabi at napagod ako sa mahabang byahe kaya dumiretso ako sa kwarto, bukas ang mga ilaw dito at mukhang naliligo si Inigo sa banyo kaya dumiretso na ako sa aming kama at walang lakas na natulog.
Nagising ako nang sunod-sunod na vibrate at notifications ang naririnig ko sa aking phone na nasa side table kaya na-alimpungatan ako at minulat ang mga mata.
"Kanina pa tumutunog ang phone mo" Si Inigo na nasa aking likuran at may nakapatong na laptop sa binti, half naked and fresh from the bath.
"Ganon ba? Sorry" Mahina kong sabi at bumangon para tignan ang aking phone, puro unknown number ang mga nagme-message sa akin at nagmissed calls.
Kumunot ang aking noo na binasa ang mga ito.
Unknown number:
I'm outside of your house.Unknown number:
Labas ka, I'm waiting.Unknown number:
Akala ko ba mag-uusap tayo? Isa't kalahating oras na ako sa labas ng bahay mo.Unknown number:
Pinaasa mo na naman ako, akala ko ba mag-uusap tayo? Hanggang kailan mo ba ako papaasahin?Unknown number:
Ang tagal kong naghintay ni hindi ka manlang nagpakita ng anino. Okay then, uuwi na ako.Unknown number:
Paasa.Kahit hindi na siya magpakilala ay alam ko na na si Joaquin ito, lalabas na sana ako ngunit nabasa ko na nakauwi na pala siya.
Bakit siya nandito? Sinundan niya ba ako? At hindi ako paasa dahil hindi ko naman alam na willing din pala siya makipag-usap?
Me:
Ganon? Sige, ingat.Nilapag ko muli sa side table ang aking phone at binalingan si Inigo na nasa aking tabi at abala sa kanyang laptop.
"Matagal pa ba 'yan?" I asked him and laid down my head on his shoulder.
"Patapos na 'to" Aniya at habang nagtitipa.
"Why? You hungry? Do you want me to cook for you?" Tanong niya at tumango ako.
Naalala kong hindi pa pala ako naghahapunan simula kanina, ang huling kinain ko ay ang donuts na bigay ni Joaquin siguro.
"Okay. I'll just finish this report, ipe-present kasi kay Gov. Chiz" Aniya at humalik sa aking noo.
Political matters again, naiintindihan ko naman na para sa amin ang ginagawa niya kaya siya laging busy, hindi tulad ko na puro sarili ang iniisip.
"Finish!" Halakhak niya at niligpit na ang kanyang laptop bago ako dinaganan sa kama.
"Let's cuddle!" He chuckled so do I.
He tickles me and I can't stop laughing, ang likot namin sa kama dahil nakililiti ako.
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomanceMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...