Scam
Dapat ay sabay kaming papasok ni Inigo ngayon kaso ay may aasikasuhin daw sila ng kanyang Ama kaya hindi siya pumasok.
Simula weekends ay hindi kami nagkita ni Inigo dahil busy daw sila ng kaniyang Ama, madalang din ang pag-uusap namin dahil hindi siya laging free kapag nagte-text ako o tumatawag.
Pagpasok ko sa classroom ay nagkukumpulan ang aking mga kaklase sa aking upuan, wala akong ka alam-alam sa kanilang pinagkakaguluhan.
Pagdating ko sa akin upuan ay may kumpol ng bulaklak ang nasa desk nito, ito ang pinagkakaguluhan nila?
"Grabe naman si Inigo! Ang sweet niya kay Chantelle! Sana all!"
"Ay wow may pa flowers si Inigo, Sana all"
"Girl ang sweet ng jowa mo, nawa'y lahat"
Puro ganyan ang mga narinig ko sa aking mga kaklase, tinignan ko ang nakasulat sa isang card na nasa mga bulaklak.
Hi babe!
Good morning! Have a nice day! I love you <3-Inigo
Napangiti ako sa nakasulat pero hindi ko pinahalata, baka tuksuhin na naman ako ng buong klase.
Buong first quarter ako niligawan ni Inigo at ngayong second quarter na ang sabi ni Papa sagutin ko na raw at baka pumihit pa ang ulo sa ibang babae.
Kalat na sa buong campus at buong Pilipinas ang tungkol sa relasyon namin, sinong hindi makakaalam ng namamagitan sa amin ni Inigo kung lahat ng media, reporters, TV stations, radio stations etc. ay pinatawag ni Papa para gumawa ng balita tungkol sa relasyon namin ni Inigo dahil gusto niyang ma-publicize 'yon.
Nilingon ko ang nag-iisang tao na hindi nakiki-usiyoso ngayon dito sa bulaklak ni Inigo.
Those cold eyes and aura, ang mga titig niya ay kakaiba, ang kanyang mga tingin sa akin ay hindi maganda, umiwas ng tingin si Joaquin nang napatulala ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ganyan si Joaquin sa akin, he should be happy for me because I was his friend 'di ba? Pero kahit na sana naman ay pinapakita niya sa akin na ayos lang ang lahat sa amin.
Kung tutuusin wala naman dapat kaming problema sa friendship namin kundi dahil kay Papa.
Second quarter na at dapat bati na kami pero kapag pinapansin ko siya at kinakausap snob lang siya, aalis sa harap ko o 'di kaya ay parang hangin lang ako sa paningin niya.
Tumayo siya at lumabas ng pintuan, umiling-iling pa siya baka tuluyang nakalabas ng classroom, saan naman kaya pupunta 'yon?
Binaliwala ko nalang ang topak niya at binaling ang mga tingin dito sa magagandang bulaklak na bigay ni Inigo.
Sa mga araw na magkarelasyon kami ay walang araw na hindi siya nagbibigay nang bulaklak sa akin kahit weekends.
Tuwang-tuwa si Papa tuwing nasa bahay si Inigo para sumama sa aming hapunan, laging dinadala ni Papa ang usapan sa kasalan, God pop! Senior high school palang kami kasal agad iniisip niyo, hindi pa nga kayo sigurado kung ga-graduate ako, chos.
Lahat naman sa pamilya ay gusto si Inigo, maliban daw kasi sa gwapo na at matalino mayaman pa at syempre business minded at into politics din.
Natatawa na nga lang ako tuwing pinipilit ni Papa na paabutin na 'to sa kasalan, "Mag papakasal ka sa kanya o ipagkakasundo ko nalang kayo? Kailangan sigurado tayo na sa isang Imperial ka uuwi, Maria!" Laging na kay Papa ang huling halakhak ng pag-ibig ko.
Hindi pa nga kami tumatagal ng kalahating taon ay kasal na agad ang iniisip ni Papa at lagi namang sila Tita ang kontra doon dahil hindi raw namin dapat minamadali ang relasyon, palibhasa si Papa ay malandi kaya ganon magturo, chos.
![](https://img.wattpad.com/cover/227487186-288-k46362.jpg)
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomansaMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...