Albay 19

53 8 0
                                    

Girl

"Eto, gusto mo 'to?" Tanong sa akin ni Joaquin at inalok ako ng sinigang pero umiling ako.

That's one of my favorite pero wala talaga akong gana kumain, isabay mo pa ang ingay ng mga tao rito sa canteen, mas lalong sumasakit ang ulo ko.

Binili ni JC lahat ng putaheng meron dito sa canteen para lang kumain ako, pinagtitinginan na rin ng mga estudyante ang aming mesa na punong-puno ng mga pagkain kahit tatlo lang naman kami.

"Ikain mo nalang 'yan, cous" Ani JC habang nakapatong ang mga siko sa mesa.

"Kailangan mong kumain MC, Magkakasakit ka" Nag-aalalang sabi ni Joaquin at aambang susubuan pa ako pero umiling lang ako.

"Pasensya na kayo, talagang wala akong gana" Matamlay kong sabi at iniinda ang pananakit ng ulo, kanina pa ito sumasakit simula ang mag-umpisa ang aking klase.

Hindi pa ako nakakaiyak ng hagulhol to the max dahil nang malaman ko ang ginawa ni Inigo at nakatulog ako sa lawa kasama si Joaquin at nang magising ako ay dumiretso naman kami rito sa school.

Pinilit kong hindi maiyak lalo na dahil maraming nakakakilala sa akin at ayaw kong magawan ng issue, nakakahiya sa pamilya ko at ayaw kong maging laman ng usap-usapan dito sa campus, lalo na't ayaw ko ring madamay si Inigo mga maling gawain na magagawa ko.

"May ten minutes pa naman tayo, bibili nalang ako ng donut sa labas" Ani Joaquin at tumayo bago lumabas ng canteen.

"Okay na sa'yo ang donut? 'Di ka naman makakatanggi doon" Ngisi ni JC, bahagya akong na ngiti.

"Kakain ka na ba kung bibili si Joaquin?" Tanong sa akin ni JC.

"Yes, donuts will do" Pagod akong ngumiti, medyo masama na ang pakiramdam ko.

"Buti nalang at mabait ang kaibigan ko, kita mo bibilhan ka pang donut sa labas ng school" Ngiwi ni JC kaya umirap ako.

"Siya ang may gusto non, hindi ko naman siya inutusan" Tumingin ako sa malayo, nanlaki ang mga mata ko nang mahagip ko si Inigo na inaayos ang kanyang suit pagpasok ng canteen.

"Holy shit" Mura ko at yumuko, hindi ako pwedeng makita ni Inigo rito!

"JC! Si Inigo!" Tawag ko kay JC habang nakayuko.

"Magbanyo ka, dali!" Aniya.

Dahan-dahan akong tumayo dahil sa hilo, sa dami ng tao na paikot-ikot at pakalat-kalat sa canteen ay mas lalo akong nahilo, napapikit ako dahil sa ingay ng mga tao.

Iba na ang nararamdaman ko, hindi na ako natutuwa sa nangyayari, nag-iiba na ang paligid at umiikot na rin ang aking paningin before everything went black.

*****

Nagising ako sa pamilyar na boses, ginalaw ko ang aking ulo bago dumilat, nakita kong maliwag ang paligid at naririnig ko ang mga bulungan ng pamilyar na boses.

Bumangon ako at nakita ko si Crisha, JC at Joaquin na nag-uusap, I saw how frustrated Crisha is, may kung ano siyang pinipilit na i-explain sa mga kasama.

"Guys" Ani ko at lahat sila ay napatingin sa akin, agad nila akong dinaluhan lalo na ang alalang-alala na si Crisha.

"MC! Okay ka lang? Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya pero umiling ako.

"Ayos lang ako" Sagot ko pero sa totoo ay hindi mabuti ang aking pakiramdam at masakit ang aking puso.

Wala akong nararamdaman kundi ang sakit at gulo sa aking isipan, ang daming bumabagabag sa utak at puro balisong ang tumatama sa aking puso.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon