Albay 4

79 11 0
                                    

Autograph

"Class dismissed" Agad nagtayuan ang aking mga kaklase pagtapos ng aming huling klase.

Alas-tres na ng hapon at malamig ang panahon dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan at malalakas na kulog at kidlat. Sa kalagitnaan ng klase namin kanina sa management ay biglang lumakas ang ambon, wala pa naman akong dalang payong.

Bumaba na ako sa ground floor ng building at maputik na ang mga pasilyo, paano kaya ako uuwi nito? Mukhang lalakas pa ang ulan dahil maitim pa ang kalangitan.

Nasapo ko ang aking noo at umiling-iling, tinignan ko ang aking phone kung may signal but unfortunately one bar lang, mahina pala rito ang signal ng Globe. Kailangan ko na magpalit ng sim.

"Paano ako uuwi nito" Nag-aalala kong sabi at napakamot ng ulo, kung lulusob ako sa ulan sigurado basa ang gamit ko at mahihirapan akong makasakay pauwi.

Nagtext kasi sa akin kanina ang aming driver habang nasa klase ako na mamaya pa raw ako masusundo dahil maputik ang daan palabas ng hacienda at nasa plantasyon ang pick-up namin.

Mahihintay ko naman ang sasakyan mamaya kaso kailangan ko na talagang umuwi dahil may maagang report pa sa accounting na pinapagawa si sir Aguilar, kaya pala todo ang puri dahil sa amin ng katabi ko magsisimula ang reporting.

Sumandal ako sa haligi ng building namin sa tapat ng hallway at tinitigan ang langit.

"Kailan ka ba titigil? Kailangan ko ng umuwi" Tinignan ko ang aking wristwatch ko na may tatak na MK. Alas-cuatro y media na, paano ba 'to uwing-uwi na ako, ang dami ko pang gagawin.

"Pwede kitang ihatid kung gusto mo" Napaiktad ako sa nagsalita, papatayin ba ako nito sa gulat?

Nilingon ko sa aking gilid kung sino ang nagsalita, nakangiti siya sa akin at may hawak na payong.

"J-joaquin right?" Nahihiya na nga ako hindi pa ako sigurado. Great.

"Maria Chantelle Estrella Figueroa, right?" Ngumiwi siya at namulsa.

"What the? How did you know my name?" Kuryoso kong tanong.

"Everbody knows you, Chantelle" He smikred.

"Alam ko pero..." Shutangina naubusan agad ako ng salita.

"You are a famous singer so what do you expect? Hindi ka kilala ng mga tao rito? Kanina ka pa laman ng usap-usapan dito sa BU, nahihiya lang sila na lapitan ka but everyone knows you" Oo nga 'no?

"You are seventeen years old, born in Legazpi, Albay and grew up in Los Angeles, California. Daughter of Governor Sebastian and Deborah Estrella and the younger sister of Marcus Calvin Figueroa and the childhood friend of Zakki Rusueño." Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya.

"What the fu--" Agad kong tinakpan ang bibig ko, shit!

"Masama magmura, bata" He laughed. Nanlaki ang mga mata ko sa tinawag niya sa'kin. Bata?!

"Ako, bata? Bakit ilang taon ka na ba?" I hissed.

"Seventeen din" He chuckled. Hindi ko mapigalan ang mapamura, tangina talaga.

Sino ba 'tong lalaking ito at ang lakas magpapansin sa akin, hindi naman kami close.

"Umalis ka sa harapan ko, nandidilim ang paningin ko sa'yong lalaki ka!" Dinuro-duro ko siya. Allergic ako sa lalaki.

"Okay" Nagtaas siya ng dalawang kamay na parang suko na.

Umalis siya pero bigla niyang hinablot 'yong hawak kong envelope at kumaripas ng takbo palabas sa labas ng building kahit umuulan. May payong pala siyang dala.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon