Nightmare
After our dinner I went straight to our private villa to rest, hindi na ako nanatili para makipagkwentuhan dahil pagod na ako.
Thankfully, no one noticed my cut since they were busy entertaining each other, even my 'boyfriend' Inigo didn't notice this shit.
Binuksan ko ang villa at humilata sa kama, tumagilid ako at nakita ang banyo kaya bumangon ulit ako para tignan sa salamin ang hiwa sa aking leeg.
Paglapit ko sa salamin ay pinasadahan ko ng daliri ang malalim na hiwa sa aking leeg, mamula-mula pa siya at halang bagong hiwa, mahapdi rin at nakakatakot hawakan.
Hindi ko alam ang dapat kong gawin dito, kung tatakpan ko ba o hahayaan na ma-expose, binuksan ko ang gripo at kumuha ng tissue para basain ng tubig at dahan-dahan kong pinunasan ang hiwa.
Napapadaing sa sakit pero tinitiis ko para malinis at hindi ma-infection, bawat lunok ko ay ramdam ko ang sakit kaya hindi ako kumain kanina ng solid foods, nag-soup lang ako at tubig para hindi ko maramdaman ang sakit sa aking leeg.
Pagtapos kong punasan ng basa ay tuyong tissue naman ang sinunod ko at kumuha ng pamalit na pang tulog para makapagbihis na.
Isang jogger at T-shirt ang nakuha ko mula sa aking bag, hindi na ako naghalungkat pa dahil wala na akong lakas.
Bumalik ako ng kama at dahan-dahang huminga at iniwasan na madikit ang aking leeg kahit sa kama.
Kinakabahan akong nilingon ang pinto nang pumihit ang doorknob nito, tumayo ako at naupo sa kama, hinila ko ang aking kumot palapit sa akin habang inaabangan kung sino ang papasok.
Gumaan ang aking paghinga nang makitang si Inigo 'yon, nainis ako bigla dahil akala ko 'yong lalaking gumawa sa leeg ko nito!
"Ano ba Inigo! Sa susunod nga kumatok ka muna!" Banas kong sabi sa kanya at badtrip na bumalik sa pagkakahiga.
"Why? Sorry, akala ko tulog ka na" Aniya at sinara ang pinto.
Bakit ba kasi siya nandito? At tyaka bakit naka-topless siya? Hindi niya ba alam na pagnanaasan siya ng mga babae riyan sa labas dahil sa bulgar niyang katawan?
"Magdamit ka nga!" Iritable kong utos.
"You don't wanna see my body? Or you don't want other women see this?" He smirked and laid down beside me.
Niyakap niya ako mula sa likod, hinapit ang aking bewang palapit sa kanya at ipinatong ang kayang mukha sa gilid ng aking leeg kaya nadaing ako sa sakit.
"Aray!" Napapikit ako sa sakit dahil sa pagpatong ni Inigo sa aking leeg, fuck! Please kahit saan ka na pumatong huwag lang sa leeg ko.
"Sorry! Am I heavy?" Kinilas niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang at bahagyang inalis ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Ang bigat mo!" Palusot ko at inalis ang kanyang kamay sa aking bewang.
Naramdam ko ang kanyang pagkagulat sa ginawa at sinabi ko kahit na nakatalikod ako sa kanya.
"Galit ka ba?" He asked., I can sense sadness and guilt on his voice, I feel sorry for him.
I don't want to do such things like this to him but I'm too tired and what happened recently is very traumatic.
"Ang kulit mo kasi!" May bakas ng inis sa aking boses. Ramdam ko ang paglayo niya sa akin.
"I just want to cuddle" He sighed and left the bed.
Nilingon ko siya at kinagat ang aking kamay para hindi niya marinig ang aking pagdaing.
Ang hirap maging tanga, dahil sa biglang paglingon ko ay naramdam ko ang bunga ng aking katangahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/227487186-288-k46362.jpg)
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
Любовные романыMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...