(Kaya Natin 'Yan by Bella Padilla)
Freshies Night
Bukas na ang freshies night at naghahanda na ang buong banda para sa gaganaping kantahan, buong practice kaming hindi nagkikibuan ni Joaquin after ng pagalitan ako ni Papa.
Galit na galit sa aming dalawa ni Kate si Papa, kesyo bakit daw namin tinulungan ang Ama ni Joaquin at siya mismo, buti nalang at hindi ko sinabi ang balak kong pagbibigay ng scholarship kay Dos kundi talagang yari ako kay Papa.
He didn't mention anything regarding to the Esguerra's kaya nakakapagtaka kung bakit niya sinuspende ang Ama ni Joaquin.
But thankfully nagawa kong kumbinsihin si Papa na ibalik na sa trabaho ang Ama ni Joaquin, ngunit may kapalit 'yon, hindi ko na raw dapat pansinin ang mga anak nito.
Mahirap para sa akin ngunit kailangan kong sundin, Ama ko 'yon eh, sino ba ako para sumuway?
Ang sabi nga sa Efeso 6:1-3 "Igalang mo ang iyong Ama't Ina" Ito ang unang utos ng Diyos na may kalakip na pangakong "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa".
Hindi ko pinapansin si Joaquin hindi dahil galit ako sa kanya or whatsoever pero dahil gusto kong maging maayos ang lahat, sinunod ko si Papa kapalit ng pagbalik ng trabaho ng kanyang Ama.
Maaga ang uwian namin ngayon at wala kaming practice, kahit sa klase ay hindi ko pinapansin si Joaquin, hindi naman siya nagrereklamo doon o hindi naman niya kinukwestyon ang mga kilos ko.
Pero syempre hindi ko maiwasan na hindi siya pansinin o kausapin lalo na kapag school matters, kapag may project, group activities and even in upcoming reports.
Ang madalas niya lang na sagot sa aking mga tanong ay tango o iling, kung may idea siya sinasabi niya sa ibang kagrupo namin at sila ang magsasabi sa akin ng naisip niya, weird right?
Minsan na mimiss ko ang mga kulitan namin at ang mga food trip namin sa labas ng campus, pati na rin ang paghahatid niya sa akin sa bahay galing sa school.
Due to our situation, si Inigo naman ang lagi kong nakakasama, siya na rin minsan ang naghahatid sa akin sa bahay o kasama ko kumain sa labas, 'di tulad ni Joaquin na kahit sa mga fishball lang kami kumain ay ayos lang, si Inigo kasi ay maselan kaya dinadala pa ako sa mga fast food chains or restaurant para doon magfood trip.
Nakakamiss din ang may kasama kang baliw na kaibigan kaysa sa masyadong seryoso at tutok na tutok sa pag-aaral.
Well, obviously like I said si Inigo ang tipo kong lalaki at hindi si Joaquin pero wala naman akong ibang nararamdaman kay Inigo kundi ang pagiging kaibigan lang.
"May sundo ka ngayon?" Tanong sa akin ni Inigo habang nag liligpit ng kanyang gamit.
"Oo, nagpasundo talaga ako ngayon kasi kailangan diretso uwi agad ako pag apos ng klase" Sabi ko at sinuksok sa aking bag ang isang folder.
"Oh! Okay then, take care!" Ngiti sa akin ni Inigo, I smiled back and went outside the classroom.
Paglabas ko palang ng gate ay nakita ko na agad ang aming sasakyan na nakaparada sa harap ng school, pumasok ako backseat at nilapag ang bag ko sa gilid.
Tinignan ko rin ang lugar kung saan pinaparada ni Joaquin ang kanyang tricycle at na pansin kong wala 'yon doon, marahil ay nauna na siyang umuwi.
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomanceMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...