Albay 11

62 10 0
                                    

Away

"Anong kakantahin natin sa freshies night?" Tanong ko sa kanila, isang linggo nalang ay freshies night na ng college at syempre kaming glee club ng BU ang in sa music.

"Bakit natin? Eh ikaw lang naman ang kakanta sa freshies night, tutugtog lang ang The Rock of Bicol" Ani Ate Gemma habang nakahalukipkip at nakaupo sa isang monoblock.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng music room at nagpaplano para sa frieshies night ng college, nasa harap si Mrs. Diaz at nagsusulat ng mga gaganapin sa susunod na linggo at ang mga members ay nakaupo lang.

"Ha? Bakit ako lang? Hindi lang naman ako ang vocalist dito ah" Hindi ko pagsang-ayon.

"Come on Elle, para namang hindi ka sanay kumanta ng solo" Ani Ate Gemma, well kaya ko naman kaso nahihiya ako dahil sa school ako kakanta at hindi naman sa concert.

"Ano bang kakantahin?" Huminga ako nang malalim.

"Kaya natin 'yan by Bella Padilla, napanood mo na ba 'yong isang daang tula para kay Estella?" Nilingon ko si Mrs. Diaz sa harap.

"Uh, opo?" I get what she said, 'yong kinanta ni Bella noong freshies night nila, may kanta pala talaga 'yon.

Tapos na ang klase ko at ang magaling na si Joaquin ay hindi na naman na pumasok, siguro ay tinamad na naman.

Natapos ang aming meeting para sa next week, palabas na ako ng campus nang may makita akong pamilyar na tricycle at pamilyar na bulto.

Nangiti ako at tinakbo ang tricycle, ang loko ay hindi pumasok pero manunundo, hays.

"'Di ka na naman pumasok! May meeting tayo kanina!" Kinonyatan ko siya, tulad kahapon ay mala-90's na naman ang pormahan niya.

"Nahiya ako, late ako eh" Aniya may kinuha sa loob ng side car.

"Pagnalilate sa meeting nahihiya, kapag aabsent walang hiya" I twitched my lips.

"Oh! Ayuda mo, nahiya naman ako sa'yo" May hinagis siya sa akin at buti nalang ay nasalo ko agad at pagtingin ko...

"Donut!" Nangiti ako.

"Ayan na, ha-hyper ka na naman, nakakita ka lang ng donut" Ngumiwi siya.

"Natural paborito ko 'to!" Umirap ako.

"Ikaw na binilhan umiirap ka pa dyan" Aniya.

"Edi sorry po! Salamat po sa bigay niyo" Binigay ko ang pinakapilit kong ngiti sa kanya pero ngumiwi lang siya.

"Pumasok ka na nga!" Aniya at sumampa sa tricycle niya at pinaandar na ito.

"Saan ako papasok?" Pilyo akong ngumiti, binigyan niya ako ng ekspresyon na nandidiri.

"Kadiri ka! Pumasok ka na sa loob ng sidecar! Utak talaga neto" Kinamot ang kanyang batok.

Imbes na pumasok ako sa sidecar ay sumampa ako sa likod.

"Ayaw ko sa loob mainit don, dito nalang ako presko pa, kaso maamoy ko ang anghit mo" Kinusot ko ang ilong ko bago kumapit.

"Mas mainit dito, syempre hot ako" Aniya, nasuka naman ako.

"Sabagay sa sobrang init mo mukha kang iniwan kaya nasunog" I chuckled.

"Sama ng ugali mo" Aniya at puinaandar ang kanyang tricycle.

"Mas masama mukha mo" Tawang-tawa ako habang nasa likod ng tricycle at sinasalubong ang sariwang hangin.

"Ihagis kaya kita palabas ng tricycle ko ano?" Aniya ng tumigil kami dahil sa stop light.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon