Albay 12

57 10 0
                                    

Problema

Tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang bukid na may nakatayong bahay sa gitna at mayroong tricyle sa labas noon, bukas pa ang mga ilaw sa bahay kaya siguradong may tao.

Kasama ko si Kate at ang aking driver na may dalang mga pagkain at patungo na sa bahay nila Joaquin.

Kung hindi lang nagmakaawa itong si Kate hindi ako pupunta rito ngayon since may-away kami ni Joaquin.

Nakita ko si Joaquin na naka-upo sa isang silya sa labas ng kanilang bahay at nakayuko na tila malalim ang iniisip.

Putik-putik na ang tsinelas ko nang makarating ako sa tapat niya, hindi niya naramdaman ang presensya ko dahil siguro masyadong okupado ang kanyang pag-iisip.

"Psst! Joaquin!" Tawag ko sa kanya, nag-angat siya ng tingin at gulat nang makita ako, agad siyang napatayo at kumunot ang noo.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noo niyang tanong at nilingon-lingon pa ang madilim na paligid.

"I brought you foods!" Ngiti ko at inangat ang dalang lechong manok.

"Alam mo bang bawal kang pumunta dito? Papagilitan ka ng Papa mo!" Imporma niya sa akin.

"I know, its okay, I can handle my father" Sabi ko, nalingon niya ang nasa aking likuran at kakaibang ekspresyon ang kanyang pinakita nang makita si Kate na nakayuko.

"Kate??" Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Joaquin sorry! Sorry talaga! Alam kong magagalit ka pero inisip ko rin si Dos!" Ani Kate at kinapitan pa ang braso ni Joaquin.

She's referring to Joaquin's younger brother, mayamaya pa ay nakita naming lumabas ang isang lalaking may edad na mula sa kanilang pintuan.

"May mga bisita ka pala Uno, papasukin mo" Ani ng kanyang Ama, tulad ni Joaquin ay kamukha niya rin ito mula sa wangis hanggang sa pangangatawan, mapapansin mo rin na parang hindi lang Pilipino ang lahi nila.

"Pasok kayo, Hija!" Maligayang pag-anyaya ng kaniyang Ama at iginiya kami sa loob ng kanilang bahay na may dalawang palapag.

"Tuloy kayo" Napakamot pa ng batok si Joaquin.

Pumasok kami sa loob ng kanilang simpleng bahay, pagpasok mo ay kita mo na agad ang sala at kusina dahil wala itong divider, at sa gilid ng kasilyas ay ang kanilang hagdan patungo sa ikalawang palapag.

May nakita akong isang bata sa lapag ng kanilang sala na chubby, maputi, medyo singkit at may maayos na gupit ng buhok, he draws something on a bond paper.

Siguro ay grade one na siya dahil nakita ko ang libro niya sa ibabaw ng lamesa na may nalakagay na grade one.

Nilingon niya kami, mukhang tahimik na bata lang siya, tumayo siya at nilapitan ang Kuya Joaquin niya at may ibinulong dito.

"Kung anu-anong pinasasabi mo, Jose Alfonso!" Sinipat siya ng kuya, tumakbo siya pabalik muli sa kanyang ginuguhit.

"Pasenysa na kayo kay Dos" Ani Joaquin.

"Ay! Nagdala po pala kami ng pagkain para sa inyo" Ani ko at inabot ang dala ko, ang aking driver naman ay inabot ang mga softdrinks na dala namin.

"Nako Hija maraming salamat ngunit baka ikaw naman ang madadale kapag nalaman ito ni Governor Baste" Nag-aalalang sabi ng Ama ni Joaquin.

"Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala kay Papa" Ani ko.

Nilingon si Joaquin ng kanyang Ama at tila may tanong sa mga mata nito.

"Opo Pa, Anak po siya ni Governor Baste, Si Chantelle Figueroa po pala" Pakilala niya sa Ama.

"Ikinagagalak ko, Hija!" Pormal na nakipagkamay ang kanyang Ama sa akin.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon