Broken
Nagising ako dahil sa lamig ng ihip ng hangin na tumatama sa aking balat, nagulat ako nang pagdilat ng aking mga mata ay sisikat palang ang haring araw.
Umayos ako ng upo mula sa paghilig kay Joaquin, hanggang ngayon ay nasa balsa pa rin kami, mukhang kanina pa siya gising dahil hindi siya nagulat sa pag-angat ko.
Ramdam ko pa rin ang pagod at lungkot ng aking puso pati na rin ang antok dahil madaling araw na akong tuluyang nakatulog ng maayos.
I feel so drained and mentally exhausted, tila hanggang panaginip ko ay binabangunbot ako nang halikan nila Inigo at Mara.
Hindi ko pa rin mapagtanto kung bakit ginawa sa akin 'to ni Inigo at bakit nangyayari 'to sa aking buhay, as far as I remember maayos naman ang buhay ko sa amerika at walang problema pero bakit dito sa Pilipinas tinambakan yata ako?
Medyo masakit din ang ulo ko at mukhang sisipunin pa yata ako, kailangan ko ng makauwi ng bahay at baka nagpa search and rescue operation na ang pamilya ko.
Kumunot ang noo ko nang makita siyang topless na and what? Why am I wearing his T-shirt?
"Giniginaw ka kanina" Aniya na siguro ay nakita ang aking pagtataka.
I saw his topless body, look at that build shocks! Look at that abs and muscles! So defined and firm, his bronze skin color and those features suits his body built na siguro ay dahil sa pagsasaka niya.
"Sorry nakatulog ako" Paumanhin ko sa kanya.
"Ayos lang, ikaw naman" He smirked.
"Balik na tayo? Baka hinahanap na ako tyaka may klase pa tayo" Ani ko at kinusot ang aking mata at nag hikab.
Tumayo siya ng balsa at nagsagwan pabalik, kita ko ang sumisinag palang na araw at ang Mayon na hindi pa rin nagpapakita ng buo.
Maganda ang tanawin paggising namin dahil sinalubong namin ang pagsikat ng araw at ang bagong yugto ng buhay ng mga ibon sa himpapawid.
Inalalayan ako ni Joaquin sa pag-alis ko balsa at pag-apak ko sa lupa, may lumapit sa amin na isang matanda 'yong nakita namin kagabi na bantay.
"Tso Bert! Magandang umaga po!" Bati ni Joaquin sa lalaking may katandaan na.
"Magandang umaga rin, Uno! Nako! Delikado pala 'yang binibining dinala mo dito, anak pa ni Gov.!" Humalaklak ang matanda.
"Ayos lang po 'yon, nagkwentuhan lang naman po, nga po pala 'yong bayad kapag nakasweldo na po kasi gipit pa rin ngayon" Nahihiyang sabi ni Joaquin at nag kamot ng batok.
"Nako! Ayos lang 'yon Uno!" Ani matanda at lumapit sa tenga ni Joaquin para bumulong.
"Hindi ba ay mayaman naman sila? Bakit hindi nalang siya ang pagbayarin mo?" Bulong nito ngunit sapat na ang lakas para marinig ko.
Agad akong nahiya doon, kapag ikaw ang mayaman at may pera obligado ba na ikaw ang magbayad? Ano bang tingin nila sa mayaman? Kaya naming magbayad oo pero ang sabihin na 'mayaman naman sila bakit hindi nalang siya ang pagbayarin mo?'.
What the heck? Anong connect ng estado ko sa buhay sa pagbabayad ng hindi ko naman dapat bayaran? Like I'm not informed na may babayaran pala rito because Joaquin didn't mention.
"May babayaran pala Joaquin," Peke akong ngumiti, hindi ko naman alam na meron palang babayaran so please 'wag naman pong manghusga na parang ang dating ay ako pa ang makunat.
"Salamat po Tso! Mauna na po kami!" Ani Joaquin at iginiya na ako palabas.
"Pasensya na si Tiyuhin ko, akala niya kasi lahat ng mayaman kayang magbayad ng kahit anong halaga, pasensya na nga rin pala at nalaman mo na may utang pa ako dahil dinala kita rito" Nahihiya niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/227487186-288-k46362.jpg)
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomanceMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...