Confess
"Chantelle! Aalis na raw sina Joaquin!" Dinig ko ang malakas na katok sa aking pintuan.
Naghikab ako at bumangon, alas-seis na at nakatulog ako dahil sa pagod at dami ng iniisip.
Tyaka lang ako na tauhan nang mapagtanto ko ang sinabi ni Crisha mula sa labas, agad akong tumayo at lumabas ng kwarto kahit hindi pa nag-aayos.
Nakita ko si Joaquin at Kate na naglakad na palabas ng aming main door, nagmamadali akong bumaba ng hagdanan at habulin si Joaquin.
Sabi ni Crisha ay nasa huli ang pagsisisi at ayaw kong magsisi kung bakit hindi pa ako umamin sa kanya, kaya hanggat may oras ay susugal ako.
"Joaquin" I screamed his name and ran after him.
Tumigil siya ay lumingon sa kanyang likuran, naiiyak akong tumakbo at niyakap siya.
"Joaquin" I cried out his name.
"Bakit ka umiiyak? Crisha?" Tanong niya at nilingon si Crisha.
"Joaquin!" Umiiyak akong niyayakap siya.
"May gustong sabihin sa'yo" Ngisi ni Crisha.
"Minsan naiisip ko kung baliw na ba 'yan si Chantelle" Ani JC.
"Nakakabaliw talaga ang pag-ibig" Tawa ni Crisha.
"Joaquin...gusto kita" Pag-amin ko at hinigpitan ang yakap sa kanya.
Ngayon ko na napagtanto na tama nga talaga si Crisha, na gusto ko si Joaquin at tinatanggi ko lang dahil iba ang naka mindset sa akin.
"Sabi na aamin ka rin" He chuckled and hugged me back.
"Heh!" I hissed and punched his chest.
"Alam ko namang mabibighani ka rin sa aking taglay na kagwapuhan" He laughed so I punched his stomach with my full strength.
"Hindi ka masyadong gwapo! Kaunti lang! Ang feeling mo masyado!" Nagkunot noo ako sa kanya at pinalis ang aking mga luha.
"Halika ka nga rito" Aniya at hinatak ako para yakapin.
"'Wag ka ng umiyak, ayan tuloy pumapangit ka na" Biro niya.
"Kasalanan mo!" Ani ko at pinunasan ang luha.
"Akin na, punasan natin" Aniya at pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang hinlalaki.
"Tahan na, akala ko pikon ka lang, iyakin din pala" He shook his head.
"Manahimik ka kundi babawiin ko ang sinabi ko" I glared at him.
"Wala ng bawian dahil akin ka na" He sounds like he won in a lottery.
"May nanalo na!" JC clapped his hands.
"Biyernes naman ngayon baka balak niyo kumain sa labas?" I know what Crisha means. Gusto niyang gumala kami ngayon dahil walang pasok bukas.
"Sa Hepa Street! Tara na!" Hinatak ako ni Crisha palabas ngunit mahigpit ang kapit sa akin ni Joaquin kaya hindi ako nagpatianod.
There is a street here in Albay that you can eat street foods without a hassle, this is what the Albayanos called Hepa Street. When the clock strikes at six, vendors are assembling their stalls to cater their specialties of different kinds of treats.
"Kuhain ko lang ang susi ng sasakyan" Ani JC.
"Magbibihis lang ako" Sabi ko at bumalik ng kwarto dahil natulog ako ng naka uniform pa.
Mamayang alas-nuebe pa naman ang uwi ng aming mga magulang galing sa trabaho at magpapaalam naman kami.
*****
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
Любовные романыMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...