G-Clef
"Everything I got was because of a very gorgeous woman that I met in Albay who named Chantelle Figueroa. She became my inspiration and motivation for reaching my dreams pero ang totoong pangarap ko na hinahangad ng aking puso ay ang maabot siya mula sa tuktok" Naupo ako sa sofa sa tapat ng aking tv habang nagpapahid ng luha.
"Ang pangarap ko noong bata ako na maging isang sikat na mang-aawit ay natupad na, ang pangarap ko naman noong tumanda na ako ay hindi tulad ng pangarap ko noong bata ako, ibang-iba ang pangarap ko ngayon" Bahagya siyang ngumiti sa camera.
"Teenager palang kami ay namulat na ang mata ni Elle sa reyalidad ng buhay na kailangan mong mangarap at tuparin ang pinangarap mo bago mo hanapin ang pag-ibig, ayon ang isang bagay natutunan ko noong umalis siya at iniwan ako para mag-America" Pinipiga ang puso ko habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon.
"Mahal na mahal ko si Elle dalaga at binata palang kami hanggang ngayon na tumanda na kami siya pa rin, walang nagbago. Unang kita ko palang sa kanya nahulog na agad ang loob ko, ang sabi ko sa sarili ko kapag napunta sa akin ang babaeng 'to hindi ko na siya papakawalan, hindi ko na siya hahayaang maghanap ng iba." I bit my lips, I hate him telling stories like this!
"Noong maging magkaklase kami halos manalo ako sa loto sa sobrang saya ko na kaklase ko si crush, naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa marealize ko na kaibigan lang pala ang tingin niya sa akin, masakit syempre, crush ko siya eh tapos kaibigan lang ang tingin niya sa'kin, ang unfair 'di ba? Pero mas masakit nang malaman ko na sila na pala ni Inigo, inexpect ko na 'yon dahil ideal man niya si Inigo. Mayaman, matalino, gwapo at maginoo kabaliktaran ko, mahirap lang ako pero matalino naman, maginoo pero hindi tulad ni Inigo na pagbubuksan ka ng pintuan ng sasakyan niya dahil syempre...tricycle lang naman ang meron ako noon. Kapag magde-date sila ni Inigo ay sa mga mamahaling restaurants at malls pa, sa mantalang ako street foods lang ang kaya ko at Jolibee" He chuckled and it broke my heart! Bakit kailangan niyang banggitin ang mga 'yon?
"Si Inigo rin ang gusto ng pamilya niya para sa kanya, syempre parehong nasa politiko ang pamilya, eh ako? Nasaan? Nasa bukid nagsasaka. Kaya alam kong una palang talo na ako, walang-wala akong maibubuga kumpara kay Inigo kaya naging sikreto lang ang relasyon namin hanggang mag-America siya kasi may pangarap siya eh, may big break siya doon, may future siya doon, sa akin wala" He sniffed from the screen so do I.
"She's a very supportive and caring girlfriend, hindi niya kinakahiya ang lebel ko sa lipunan, pinagtanggol niya ako sa pamilya niya at higit sa lahat araw-araw niyang ipinapadama sa akin na mahal niya ako pero hindi kami parehas ng nararamdaman. Bago siya umalis at bago kami maghiwalay malabo na ang relasyon namin dahil tila ako nalang ang kumakapit, nawawalan na siya ng tiwala sa akin kaya naging madali nalang sa kanya ang bumitaw at iwan ako rito sa Bicol" Yumuko ako para humagulgol. Ang sakit, sobrang sakit.
"Noong una, hindi ko matanggap na iiwan niya ako dahil sa pangarap niya, inalok ko pa siya ng kasal noon pero tumanggi siya kasi may pangarap siyang tutuparin sa Amerika. Noong panahon na 'yon akala ko handa na akong bumukod at bumuo ng sariling pamilya dahil nakamit ko na ang pangarap ko, kami na ni Elle kaya akala ko kaya ko siyang buhayin noon, siguro kung hindi siya tumanggi sa alok kong kasal ay naghihirap na kami ngayon sa bukid o umaasa sa pamilya niya" I remember his proposal that I rejected. Sumasariwa lahat ng alaala namin.
"Noong umalis siya natutunan kong magbisyo at maglasing, hindi ko matanggap na iniwan niya talaga ako pagtapos ng lahat ng pinagsamahan namin, lagi kong tanong sa sarili ko kung bakit kailangan niya pa mag-Amerika? Bakit pa siya nakipaghiwalay sa akin kung pwede namang kami habang nasa ibang bansa siya? Kahit long distance relationship kakayanin ko naman basta panatag ako na may kami at ako ang mahal niya pero nalaman ko na engaged na agad siya kay Inigo" Halos maubos na ang tissue sa aking tabi kakapunas ng luha.
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomanceMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...