Albay 1

187 12 2
                                    

Graduation

Flashback

Memories fade, but they're never lost~
Colors change with time and change of heart~

A lyric of our graduation song keeps on repeating in my mind as I walk through our ranch from my graduation.

It's already six-thirty in the evening and I should have gone straight home but I preferred to have a walk in our ranch since I want to ponder my junior high school life because I know this is the end of it.

Binuksan ko ang fence papasok sa rancho, madilim na pero dahil sa liwanang ng ilaw sa poste sa paligid ng rancho ay may naaaninag pa ako.

Dumiretso ako malapit sa kamalig, tinignan ko ang aking sandals na putik-putik pa at medyo marumi na dahil kauulan lang.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may narinig akong kaluskos kaya't napalingon ako sa paligid ngunit wala naman akong namataang tao.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang may marinig na naman akong kakaibang tunog, para matulis na bagay na pinagdidikit, para bang shears.

Nagsimula akong kabahan at lingunin nang mabuti ang paligid, tinignan ko ang bawat lugar, puno, at halamanan sa paligid.

Malaki ang rancho namin at maraming trabahante maliban sa maraming alagang hayop. Kaya naman kahit nasa loob ako ng property namin ay nangangamba pa rin akong mag-isa ngayon lalo na at madilim na. Isa pa, hindi ako lumaki rito lugar.

Wala ng dapat nagtatrabaho ngayon sa rancho dahil siguradong lahat ng trabahante ay nakauwi na sa kani-kanilang kabahayan dahil wala namang tatrabahuhin sa gabi.

Napatalon ako nang may makitang isang taong nakayuko sa likod ng isang puno sa tabi ng kamalig. Dahil sa gulat ay napaatras ako, hindi nalang ako tutuloy sa kamalig.

Halos lumabas sa aking dibdib ang aking puso sa gulat nang may maapakang sanga na naputol. Nag-uunahan sa paghinga ang aking ilong at dibdib. Lechugas, talaga naman, oh! Ang swerte nga naman at napaka-suspenseful ng pagmumuni-muni ko.

Nag-angat ako ulit ng tingin sa lalaki at napaigtad ako nang makitang nakatingin na siya sa akin. He is not one of our workers, right? Kasi kung isa siya edi sana ay hindi siya nagtatago sa likod ng puno, tama?

Mabilis ang tibok ng puso ko. Malinaw kong nakikita ang kanyang kulay tsokolateng mga mata na nakatingin ng seryoso sa akin, kumikislap, at ang liwanag ng buwan lang ang tila nagbibigay ng liwanag sa kanyang mukha upang akin itong makita.

Lumapit ako nang bahagya para ikumpirma kung tao nga ba talaga ang nakita ko o aswang.

Nang medyo makalapit ako ay tao nga siya, kumpirmado. Bahagya kong nakikita ang hubog ng kanyang mukha at ang kanyang itsura.

Mula sa kanyang mga panga, matangos na ilong, medyo magulong buhok, makapal na kilay, medyo may pagka-singkit na mga mata at pouty lips, medyo matangkad siya ngunit masyadong malayo upang makilala ko pa.

"Chantelle, what are you doing there?" Napatalon ako sa biglang nagsalitang iyon. Agad kong nilingon ang aking likuran nang marinig ang boses ni Kuya Calvin, naglalakad siya papalapit sa akin.

"Magmumuni-muni sana" I answered him and looked at the tree again but the man was suddenly gone. Nilingon ko pa ang paligid ngunit hindi ko na siya natagpuan.

Guni-guni ko lang ba 'yon?

"Let's go. Papa is already looking for you. Look at you, nakatoga ka pa, sana ay nagpalit ka muna" Ani kuya Calvin at inakbayan ako.

Pogi ang kuya ko pero hindi raw kami ganoong magkamukha, namana niya ang mukha ng mga Estrella at ako naman ay sa mga Figueroa.

He's tall, fair skin, pointy nose, serious aura, mesomorph body built, intense brown eyes, perfect jawline at macho. He is the best kuya.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon