Albay 29

50 7 0
                                    

Affair

Umuwi ako ng bahay kasama si Joaquin dahil hinatid niya ako. Nasa labas palang kami ng mansion ay dinig na dinig ko na ang mga malalakas na sigawan sa loob at mga nababasagang mga gamit.

"Malandi ka! Ingrata!" Boses 'yon ni Tita Tatiana na galit.

Kumunot ang aking noo habang kasama ko si Joaquin na papasok sa aming bahay.

Nagulat ako nang makita si Kate na nakaluhod sa lapag at umiiyak sa salas, nasa likod niya si Papa na pinipigilan si Tita Tatiana.

Nagkalat din ang mga basag naming plorera sa lapag at mga nakabalandrang gamit miski ang mga cusions.

"Tita!" Agad akong pumunta kay Tita Tatiana na dinuduro-duro ang nakaluhod at umiiyak na si Kate, si Joaquin naman ay dinaluhan ang kaibigan.

Mukhang minaltrato ang itsura ni Kate at si Tita Tatiana ay namumula sa galit. Si Papa naman ay hindi ko mawari ang ekspresyon dahil halo-halo iyon.

"I knew that you would bring disgrace to our family! To my family! You shameless whore!" Sighap ni Tita Tatiana at akmang kukuha pa ulit ng vase pero agad ko siyang napigilan.

Hindi ko alam ang mga tinuturan ni Tita, hindi ko alam kung ano ang nangyari at bakit ganito silang lahat sa salas.

"Tita stop! What happened? Anong bang nangyayari?" Tanong ko kay Tita habang nakapigil sa kanyang mga braso.

Inayos niya ang kanyang buhok at mariing tinitigan ng masama si Kate at bumaling kay Papa, basang-basa si Kate na marahil ay dahil sa tubig ng mga vase o 'di kaya ay binuhusan siya ng tubig ni Tita Tatiana.

Halos lahat ng mga kasambahay ay nagtinginan sa salas upang makita ang eksena, napalingon ako sa hagdan kung nasaan sila JC at Crisha na nagmamadaling bumaba.

"Nakikita niyo 'yang babaeng 'yan? Malandi 'yan! Walang hiya at walang dignidad!" Sigaw ni Tita habang tinitignan ang mga nakatingin sa aming katulong.

"Tita stop! What are you saying?" Kunot noo kong tanong sa kanya at tinignan si Joaquin na inaalu ni Joaquin at Papa.

"That disgusting kitchen maid is having an affair with your father! I caught them in your parents room and almost —!" Suminghap si Tita Tatiana at tinuro si Papa at Kate na nasa lapag.

"In your parents room! Walang hiya ka!" Bumaling si Tita Tatiana kay Kate.

"Kuhain niyo ang tubig na pinagbabaran ng mop! Ahora!" Sigaw ni Tita sa mga katulong na agad namang sinunod ang utos niya.

"Tita! What are you doing?" Tanong ko sa kanya at nilingon ang papalapit na mga katulong dala ang isang timba na may lamang marunong tubig na pinagbabaran ng mop at dinala sa tabi ni Tita.

"You are nothing but a disgusting whore! Wala kang delikadesa!" Hinatak ni Tita Tatiana ang buhok ni Kate.

"Mom!" Si Crisha at lumapit sa amin.

"Tita!" Ani JC.

"You all know how I hate sluts!" Mariing sabi ni Tita habang hawak ang buhok ni Kate.

Kinuha niya ang mop ay inilampaso sa sahig, pinabuhos niya sa isang katulong ang tubig doon sa sahig.

Napaatras ako dahil nabasa ang aking school shoes at si Tita naman ay walang pakialam kung nabasa ng maruming tubig ang kanyang black stiletto.

Nagulat ako at hindi makapaniwala na nginudngod at nilampaso ni Tita Tatiana sa sahig ang mukha ni Kate habang umiiyak.

"Tatiana, enough!" Pigil ni Papa at pinigilan ang kamay ni Tita na nakahawak sa buhok ni Kate at nilalampaso sa sahig.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon