WHEN PLAY GONE WRONG (NANG DAHIL SA NAPKIN)Chapter 1: Napkin
Kanina pa ako na nandito sa loob ng cubicle habang iniipit ko ang puson ko. Hindi naman ako makalabas dahil may tagos na ako.
Napaiyak na lang ako kasabay ng pagpadyak ko ng mas lalong sumakit ang puson ko.
Aish! Ano ng gagawin ko nito?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at saka sinilip kung may ibang tao ba. Nang makita kong wala ay agad akong lumabas ng cubicle.
Sobrang sakit na talaga ng puson ko at naiirita na ako.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa may labasan at saka pasimpleng sumilip sa mga dumaraan.
Agad kong hinila ang unang taong nahagip ng mata ko at saka ko siya isinandal sa pader upang hindi makawala.
"WHAT THE FUCK!" singhal niya. Agad naman akong napaatras ng mapagtanto kong lalaki ang nahila ko.
"Get your hands away from me!" inis na sabi niya at akmang lalabas na ng pigilan ko siya at nagpuppy eyes pa.
"Please, tulungan mo naman ako oh," pagmamakaawa ko. Kinunotan niya naman ako ng noo.
"What?!" inis na singhal niya. Nginuso ko naman yung likuran ko at saka ngumiti ng alanganin.
"May tagos ako, hehe." Mas lalong kumunot ang noo niya.
"And so?" Nginitian ko naman siya.
"Pwede bang ibili mo ako? Please, sige na naman oh. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta ibili mo lang ako ng napkin," nagmamakaawang sabi niya. Tinabig niya naman ang kamay ko.
"Bumili ka mag-isa. Ano ka sinuswerte? Ayokong dungisan ang pagkalalaki ko, diyan ka na nga," masungit na sabi niya kaya napayuko na lang ako.
Agad kong pinahid ang luha sa mata ko. Mukhang matatagalan pa ang pananatili ko rito.
Napabuntong hininga na lang at akmang babalik na sana sa loob ng cubicle ng mapansin kong may nag-abot ng supot mula sa labas. Agad na nangunot ang noo ko at dahan-dahang sinilip kung sino ang taong 'yon.
Agad akong napangiti ng makitang siya 'yong lalaki kanina. Agad kong kinuha ang supot at nagtaka pa ako ng may kasama iyong boxer.
Agad kong nakagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang tawa ko at saka ako nagpalit. Inilagay ko na lang muna sa supot ang natagusan kong undies at saka itinago sa likod ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko pa siyang naghihintay kaya agad na nangunot ang noo ko.
"Ano pang ginagawa mo rito?" tanong ko. Tiningnan niya naman ako at nagulat na lang ako ng hubarin niya ang jacket niya at saka siya humakbang palapit sa'kin. Napaatras naman ako at napasandal sa pader.
Agad akong pumikit ng ilapit niya ang mukha niya ngunit agad din akong napamulat ng maramdaman kong may inilagay siya sa balibot ng beywang ko.
Nang magbaba naman ako ng tingin ay agad na nag-init ang pisngi ko sa pagkapahiya.
Narinig ko naman siyang napatawa ng mahina.
"I'm not going to kiss you, assuming ka naman," nakangising sabi niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.
"Ah, sorry," napapahiyang sabi ko. Akmang lulusot na sana ako sa nakaharang niyang braso ng pigilan niya ako.
Agad naman akong napatingin sa kanya ngunit agad ding nag-iwas ng tingin. Ngayon ko lang narealize na ang gwapo niya pala.
Muntik pa akong mapatalon ng ayusin niya ang salamin ko at saka nginitian ako ng pagkatamis-tamis.
"Simula ngayon, pagmamay-ari na kita," napatanga naman ako kaya napailing na lang siya at agad kong nasapo ang noo ko ng pitikin niya ako.
"Hoy nerd, huwag mong tatangkaing taguan ako dahil hahanapin pa rin kita. Nang dahil sa'yo, nadungisan ang pagkalalaki ko kaya kailangan mong magbayad." Kinunotan ko naman siya ng noo.
"A-Ano namang kabayaran ang hihingin mo?" kinakabahang tanong ko. Ngumisi naman siya at halos magkaduling-duling ako ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin.
"Ikaw. Ikaw ang gusto ko. Simula ngayon, akin ka na. Naiintindihan mo ba?" Napatango na lang ako kahit wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Napangiti naman siya at saka umayos ng tayo.
"Okay then, see you later baby," malambing na sabi niya at saka naglakad palayo.
Napatitig naman ako sa papalayo niyang bulto habang nagtataka pa rin. Napailing na lang ako at saka naglakd na rin ng matigilan ako.
Teka-si Zero ba 'yon?
Agad na nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko. I can't believe it.
Talaga bang kinausap ako ng ultimate campus crush?
Ang sabi niya pa, pagmamay-ari na niya ako. Ibig sabihin ba nun, girlfriend na niya ako?
Agad naman akong kinilig at saka hindi makapaniwalang napailing-iling. Napangiti na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nang dahil sa napkin, nagkaboyfriend ako.
--------
A/N: Hi guys, this is my new story. I hope you like it.Kindly vote and comment for the next update.
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...