🍂Chapter 9🍂

2.4K 66 7
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 9

                                  🍂

𝐼'𝑚 𝑓𝑎𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑜𝑜 𝑓𝑎𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝐼 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑘𝑛𝑜𝑤 𝒉𝑜𝑤 𝑡𝑜 𝐼 𝑠𝑡𝑜𝑝.

                                  🍂

SUNDAY ngayon ay naisipan kong tumambay na lang muna sa bahay. Alam ko kasing busy si mama sa trabaho niya kaya hindi na lang muna ako pumunta.

Magtitiis na lang muna ako na inuutos-utusan ng ate kong feeling maganda.

Napailing na lang ako ng marinig ko na naman na isinigaw niya ang pangalan ko.

Ano na namang kailangan niya?

Inilapag ko na lang muna ang librong binabasa ko at saka lumabas ng kwarto. Agad akong nagpunta sa kusina. Naabutan ko naman si ate na nakaupo sa lumang sofa at nakapatong pa ang paa sa mesa habang busy sa pagcecellphone.

Napairap na lang ako at saka lumapit sa kanya.

"Anong kailangan mo?" Hindi naman nagtunog walang galang ang sinabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Kanina pa may kumakatok sa pinto. Buksan mo nga!" iritadong sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. Nakarinig naman ako ng katok sa pinto agad kong pinagbuksan ang kumakatok.

Napaatras naman ako ng dire-diretso siyang pumasok ng bahay namin.

"Oh! Mabuti na lang pala at tama ang address na napuntahan ko," masayang sabi niya habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Your house is small but yet, malinis naman. Desente pa ring tingnan," papuri niya. Agad na nanlaki ang mata ko ng dumiretso siya sa pang isahang sofa.

Mukhang hindi niya pa napapansin si ate na katapat niya lang din.

Nginitian niya naman ako.

"Hindi ka pa ba magbibihis?" nagtatakang tanong niya. Doon pa lang nahinto si ate sa pagcecellphone.

"Sino ka naman?" walang modong tanong ng ate ko. Napangiwi na lang ako.

Nagtaas naman ng kilay si Zarrie.

"My name is expensive. Don't ask if you will not pay for it," mataray na sabi ng ate ni Zero kaya agad nag-angat ng kilay ang ate ko.

"May I remind you na nasa pamamahay ka namin? At pwede kitang paalisin ngayon din." Nagcross arm naman si ate Zarrie.

"And so? Hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito." Akmang magsasalita pa si ate ng mapansin niya ang bag ng bisita ko.

"T-Teka--sa'yo ba 'yan?" nanlalaki ang matang tanong ni ate. Kinunotan naman siya ng noo ni ate Zarrie.

"Why do you want to know? You love branded bags?" Agad namang tumango si ate at hindi ko inasahan ang pagngiti ng ate ni Zero.

"Oh! Do you have one?" Bigla namang nalungkot ang mukha ni ate. Tahimik lang akong pinapanood sila dahil ngayon ko lang nakita si ate na hindi nagsungit.

"If you want, I can give you one." Napaangat naman ng tingin si ate. Ang laki pa ng ngiti niya. Akala mo nanalo sa lotto.

"Bibigyan mo ako?" Mabilis namang tumango si ate Zarrie.

"Of course. Hindi ko rin naman nagagamit 'yong iba. Pwede kong ibigay sa'yo. Ipapadala ko na lang sa kapatid ko mamaya," nakangiting sagot nito. Napaawang naman ang labi ko ng yakapin siya ni ate.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon