🍂CHAPTER 2🍂

5.2K 135 24
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 2: It should be honey

Nagmamadali akong tumakbo papasok ng gate habang inaayos ko ang salamin ko. Medyo nalate kasi ako ng gising kaya nagmamadali ako. Baka mamaya, late na ako.

Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil hindi komportable ng bigla akong mapaatras. Inayos ko naman ang salamin ko at saka tiningnan ang nabangga ko.

Agad na nanlaki ang mata ng magpatanto kong si Eunice ang nabangga ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng mag-angat siya ng kilay at magcross arm ang tatlo niya pang kasama.

"How dare you to step on my shoes?" mataray na sabi niya kaya napayuko na lang ako.

"I'm sorry. Sorry talaga. H-Hindi k-ko s-sinasadya," nauutal na sabi ko. Agad na kumabog ang puso ko ng hawakan niya ang baba ko at saka iniangat ang ulo ko.

"Tumingin ka sa'kin kapag kinakausap kita. Huwag kang bastos!" inis na sabi niya kaya agad akong nanginig sa takot. Tumango-tango naman ako kaya napangisi naman siya.

"Good. Now, lean down and lick my shoes," utos niya. Agad naman akong umiling pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ayaw mo?" Agad naman akong umiling pero umirap lang siya at agad akong napaatras ng malakas niya akong sampalin.

"Wala ka man lang manners. Dinumihan mo ang sapatos ko, so better clean it now! Lick my shoes! Huwag mong hintaying ako pa ang magngudngod sa'yo," galit na singhal niya. Napapikit naman ako at saka kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag-iyak.

Nanginginig na dahan-dahan akong bumaba para dilaan ang sapatos niya. Akmang mas bababa pa ako ng maramdaman kong may humila sa kamay ko dahilan para mapatayo ako.

Agad akong tumama sa matigas na dibdib ng taong humila sa'kin. Dahan-dahan naman akong nag-angat ng tingin at agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtanto kong si Zero iyon.

Tinititan niya naman ako sa mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Why are you saving her?" maarteng tanong ni Eunice. Nilingon naman siya ni Zero na wala man lang kaemo-emosyon.

"Why not? How about you? Why are you bullying her?" maangas na tanong ni Zero. Umirap naman si Eunice.

"Of course! She ruined my shoes! Look, its so dirty na," maarteng sabi niya.

Muntik ng tumalon ang puso ko ng nilingunin ako ni Zero at agad na nangunot ang noo niya ng mapatingin sa pisngi ko.

Pasimple kong hinimas iyon upang maitago ang pamumula pero hinawakan niya naman ang kamay at kaagad na nagsalubong ang kilay niya.

Napabuntong hininga pa siya bago muling hinarap si Eunice. Nang mapatingin ako sa kamao ay nakayukom na 'yon.

Galit ba siya?

"Sinampal mo ba siya?" kalmadong tanong ni Zero. Inirapan naman ako ni Eunice at saka ngumiti kay Zero.

"Yes. Bakit? May problema ba?" Agad namang napailing si Zero at mas lalo akong itinago sa likod niya.

"Sa oras na galawin mo ulit si Mia, ako na ang makakalaban mo," maawtoridad na sabi niya at mababakas ang pagbabanta sa tono niya.

Natawa naman si Eunice maging ang mga alipores niya.

"Oh my gosh, bakit mo pinagtatanggol ang lampang 'yan?" nang-uuyam na tanong niya.

"Simula ngayon, akin lang siya. At ako lang din ang pwedeng mambully sa kanya. Kapag may isa sa inyong sinaktan ang binibini ko. Hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko."

Nang dahil sa sinabi ni Zero, mas lalo kong naramdaman na safe ako.

"Did you call her binibini? Oh my gosh! Ang akala mo ba ay titig na namin siya just because you called her like that. She is one of your toys, right?" nang-aasar na sabi nito. Muntik pa akong mapatalon ng bigla akong hilahin ni Zero paalis sa likod niya.

"She's not my toy," aniya habang nakatitig sa'kin at agad na nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako at saka hinalikan sa labi ko.

"What the hell?"

"Gosh!"

"Oh, that's gross!"

"Ewww!"

"O.M.G! Did he really kiss that girl? Oh my, ang puso ko, huhu,"

Agad naman akong nagmulat ng mata ng pakawalan niya ang labi ko at saka ngumiti sa'kin.

Muli niyang nilingon sila Eunice at saka pinagsiklop ang kamay niya.

"She's not my toy. She's my girlfriend," maangas na sabi niya. Agad naman niya akong hinila at naiwan naman silang tulala.

Bawat madadaanan naming estudyante ay nakatingin sa'min. Or I must say, kay Zero. Nakatingin sila sa boyfriend ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Zero, hindi mo ba talaga ako pagtitripan o ibubully?" nag-aalalang tanong ko. Agad namang nangunot ang noo niya at maya-maya pa ay biglang ngumiti at inilagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Bakit ko naman ibubully ang girlfriend?" nakangiting sabi niya dahilan para lumundag ang puso ko sa tuwa.

Agad na nag-init ang pisngi ko at napansin niya naman kaagad 'yon.

"You really like me that much ha? You're blushing," natatawang sabi niya kaya napanguso na lang ako pero agad din niyang pinitik ang noo ko.

"Don't pout. I'll kiss you again." Agad ko namang itinikom ang labi ko kaya napangisi naman siya.

Hindi ko namalayan na nandito na pal kami sa tapat ng room. Ginulo niya naman ang buhok ko at saka ako muling nginitian.

"Pasok ka na." Tumango naman ako.

"Salamat sa paghatid Zero," nakangiting sabi ko.

Tumalikod na rin siya ay saka kumaway at muli akong nilingon.

"It should be honey, not Zero," sabi niya sabay kindat kaya napailing na lang ako.

Hindi ko inakala na magiging boyfriend ko ang isang bully at ultimate campus crush.

Sana lang talaga hindi niya ako pinagtitripan.

-------

A/N: Your comment is highly appreciated.

Kindly vote and comment

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon