MIA'S POV
"Mia, bumaba ka nga rito!"
Inis naman akong bumangon sa kama at padabog na bumaba ng hagdan. Kinusot ko pa ang mata ko dahil kakagising ko lang.
Ang ingay ingay kasi ni ate. Akala mo kumakandidatong konsehal.
Pagkababa ko, nagpangalumbaba na lang ako sa railings habang ang kaliwang mata lang ang nakadilat.
Gusto ko pang matulog dahil ang sama ng pakiramdam ko kagabi.
"Ano na naman ba 'yon? Gusto ko pang matulog," tinatamad na sabi ko at saka napahikab.
"Umayos ka nga! Tsaka bakit ka nakasando? Tingnan mo, wala ka pang suot na bra!"
Napakamot naman ako sa ulo.
"Ate naman eh! Ang init init! Alangan namang magjacket ako? Tsaka tayo lang naman 'yong nandito sa bahay," naiinis na sabi ko.
Ang dami niyang dama, wala namang ibang makakakita.
"Unfortunately, kanina pa ako nandito Mia."
Muntik na akong mahulog sa hagdan nang bigla kong marinig ang boses ni Zach. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakangising nakatingin sa'kin.
Mabilis kong niyakap ang sarili ko at saka nag-iwas ng tingin. Tumalikod pa ako para hindi na niya makita ang dibdib ko.
"A-Anong g-ginagawa m-mo r-rito?" halos magkandautal-utal na sabi ko. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa sobrang kahihiyan.
Gosh! Nakakahiya ka Mia! Bakit kasi hindi ka nagsuot ng bra! Bwisit!
"Bakit? Bawal na ba kitang sunduin?"
Hindi ko naman siya nilingon at nanatiling lang akong nakatalikod sa gawi niya. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin.
"Ay naku! Walang problema. Mas gusto naman kita kaysa kay Zero."
Inis ko namang nilingon si ate na ngayon ay nakangisi na sa'kin.
"Ate!" Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Oh bakit? Ipagtatanggol mo pa? Totoo naman ah? Mas di hamak na mabait itong si Zach kaysa kay Zero."
Napairap na lang ako at inis na tinapunan ng tingin si Zach. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti kaya mas lalo akong nainis.
Nang-aasar pa talaga. Sa school lang ata siya mabait. Bwisit siya!
Saglit ko namang tinapunan ng tingin si ate at saka napairap sa hangin.
Mas di hamak na totoo naman si Zero kaysa kay Zach. Hindi mo kasi malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o nagsisinungaling lang.
Paiba-iba rin ang mood niya at ang hirap niyang basahin.
Napailing na lang ako at saka padabog na umalis. Inilock ko pa ang pinto para walang ibang makapasok sa kwarto ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako dumiretso sa banyo para maligo.
Nang matapos ako ay agad kong tinuyo ang buhok ko at saka nagsuklay.
Agad kong pinahid ang luhang tumakas sa mata ko nang bigla kong maalala si Zero.
Ilang araw na ba simula ng ituring niya akong hangin sa paningin niya? Ilang araw na nga ba?
Napailing na lang ako at saka pinagpatuloy ang pagsusuklay. Hindi ko na rin maalala.
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...