NANG DAHIL SA NAPKIN: 29It's hard to let go when all I wanted is to stay with you forever.
🍂
ZERO
Maaga akong gumising para sunduin si Mia sa bahay nila, ipinark ko na lang ang sasakyan ko sa tapat ng gate at saka sumandal sa kotse ko habang naghihintay sa paglabas niya. Nang makita ko siyang lumabas ng pinto ay agad na sumilay ang ngiti sa labi ko, mas lalo siyang gumanda, binati ko na lang siya bago siya pumasok sa loob ng kotse ko.
"How's your sleep?" Nilingon niya naman, nagtatanong ang mga mata.
"Bakit curious ka?" Agad naman akong nag-iwas ng tingin.
"I just want to know," simpleng sagot ko.
"Yeah. I saw you in my dream." Natigilan naman ako at nilingon siya, hindi maikubli ang ngiti. Hinawakan ko na lang ang kamay niya, rinig na rinig ko rin ang pagtibok ng puso niya.
"Me too. I saw you wearing a white dress and you look so beautiful,"nakangiting sabi ko.
"Don't say that. Ayokong umasa." Bigla na lang lumungkot ang mukha niya.
"Mia..." Agad naman siyang nagpeke ng ngiti dahilan para kumirot ang puso ko.
"Joke lang! Bakit ba ang seryoso mo?" natatawang sabi niya, nakahinga naman ako ng maluwag pero iyong bigat sa dibdib ko hindi na nawala.
Nagmaneho na lang ako papuntang school, hindi na rin kami nag-usap, tahimik lang kami buong byahe. Nang maipark ko ang sasakyan ko ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni daddy noong nakaraang araw, mabuti na lang at naagaw ni Mia ang atensyon ko. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at sabay kaming naglakad, bawat madadaanan namin mga estudyante ay pinupuri siya, hindi rin maalis ang tingin ng kalalakihan sa kanya, parang gusto ko na lang itago sa loob ng bag ko si Mia pero hindi naman siya kasya.
Agad akong napahinto nang matanaw ko si Zach, na kahit kailan ay hindi ko ituring na kapatid kundi isang mortal na kaaway. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang magsimula siyang maglakad palapit sa pwesto namin, gustong-gusto ko na siyang sapakin nang ngisian niya ako dahil masyado akong naasar sa mukha niya.
"What are you doing here?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw.
"I just want to see you," nakangising sabi niya at bahagyang tinapunan ng tingin ang girlfriend ko, agad na umangat ang sulok ng labi niya, halatang may pinaplanong hindi maganda.
"Girlfriend mo?" Tinitigan ko naman siya ng masama kaya mas lalo siyang napangisi.
"Oh, I think she is." Agad na humigpit ang pagkakahawak ko kay Mia nang ngumiti siya ng nakakaloko habang nakatitig sa girlfriend ko, tsaka lang ako kumalma ng umalis na siya. Paniguradong may plinaplano na siya sa utak niya at hindi ko siya hahayaang magtagumpay sa plano niya.
Nilingon ko naman si Mia at bago pa siya makapagsalita ay niyakap ko na siya kaagad, natatakot akong mawala siya sa'kin kahit hindi ko naman siya pwedeng itali sa'kin dahil nakatakda na akong matali sa iba.
"Kahit ano pang sabihin ng iba. Always remember that I love you. I don't want to lose honey so please, stay even it's hard to stay." Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko, kaso shit lang! Ayaw magsitigil, mas lalo lang bumigat ang dibdib ko nang haplusin niya ang likod ko, nasasaktan akong isiping kailangan ko siyang iwan.
"I will. Stop crying like a baby," pagbibiro niya pa.
"Smile ka na. I will never leave you okay? I love you." Nagpilit na lang ako ng ngiti nang mapanatag na siya.
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...