🍂CHAPTER 6🍂

3.1K 101 3
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 6:
You'll Sleep or I'll Kiss You?

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at saka tumingin sa kisame. Napahikab pa ako bago ako tuluyang bumalikwas ng bangon. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at saka ipinalibot ang tingin sa piligid.

Puro gray, black at white ang nakikita kong theme ng kwarto. Kinusot ko ulit ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako na nagbago na ang kulay ng pader sa kwarto.

Nang muli kong tingnan ang paligid ay wala pa ring nagbago. Natigilan naman ako ng marealize kong wala ako sa kwarto ko.

Natatarantang sinipat ko ang sarili ko. Agad na nanlaki ang mata ko ng mapansin kong nakasuot ako ng panlalaking t-shirt.

Napapikit na lang ako at saka pinakiramdaman ang sarili ko kung may masakit ba sa'kin pero wala. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang nasa akin pa rin naman ang bataan.

Dahan-dahan akong umalis sa kama at saka tahimik na naglakad palapit ng pinto. Dali-dali kong binuksan ang pinto. Mabuti na lang at hindi nakalock.

Palabas na sana ako nang mapaatras ako dahil bumangga ako sa matigas na pader. Agad akong napahawak sa ulo ko dahil bahagya iyong naalog. Nang mag-angat naman ako ng tingin ay kinunotan niya lang ako ng noo.

Hindi naman ako nakapagsalita kaya napailing na lang siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin dahilan para magwala ang puso ko.

Napakapit naman ako sa leeg niya. Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama. Napayuko na lang ako.

"Are you okay now?" kalmadong tanong niya. Mabilis naman akong tumango at saka napahawak sa tiyan ko nang tumunog iyon.

Maalala ko lang, hindi pa pala ako kumakain.

"Are you hungry?" Napatanga naman ako sa tanong niya dahilan english siya ng english.

Nakakainis! Mas lalo akong naiinlove eh.

Napailing naman siya at saka napangiti. Tumayo na rin siya at saka ginulo ang buhok.

"Mukhang gutom na nga ang binibini ko. Magpahinga ka muna. Ipagluluto muna kita," malambing na sabi niya at saka lumabas ng kwarto.

Habang ako ay naiwang tulala ng  dahil sa sinabi niya. Nagkibit balikat na lang ako at saka tumunganga sa kawalan.

Napaayos naman ako ng upo nang biglang bumukas ang pinto. Agad na kumabog ang puso ko ng muli ko siyang makita.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at bahagyang hinampas-hampas.

Argh! Stop thinking about him!

"Hey! Why are you hurting yourself?" nag-aalalang tanong niya. Natauhan naman ako at saka ibinaba ang kamay ko. Nagpilit na lang ako ng ngiti pero kinunotan niya lang ako ng noo.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at saka inilapag ang pagkain. Pagkalapag niya ay naupo na rin ulit siya sa couch at saka ako tinitigan.

Tiningnan ko naman ang pagkain na nilapag at agad akong natakam ng mapansin kong paborito ko ang niluto niyo.

Kinuha ko na lang kutsara sa gilid at saka tinikman ang luto niya. Napangiti na lang ako. Hindi lang pala siya pogi. Marunong din siyang magluto. Full package na ang isang 'to.

"Bilisan mong kumain diyan, papasok pa tayo," aniya. Agad ko namang naibuga ang kinakain ko.

"Aray!" Nang dahil sa katangahan ko ay napaso pa ako ng mainit na kanin. Agad naman niya akong inabutan ng tubig at saka hinimas  ang likod ko.

"Dahan-dahan kasi. Wala namang aagaw niyan," nagbibirong sabi niya. Kinunotan ko naman siya ng noo.

"Papasok pa tayo? Late na late na kaya," nalilitong sabi ko. Nginitian niya naman ako at saka kinurot ang pisngi ko.

Trip na trip niya talaga 'yong pisngi ko eh.

"Joke lang! Walang pasok ngayon," natatawang sabi niya. Nagulat na lang ako ng agawin niya ang kutsara sa'kin at saka ako sinimulang subuan ng pagkain.

Hindi naman ako makapalag kaya panay tanggap lang ako. Agad ko namang nginuya 'yon bago nagtanong

"Bakit pala walang pasok?" Muli siyang sumandok ng kain at ulam. Ngumanga naman ako ng itapat niya ang kutsara sa bibig ko.

"Nagmemeeting ngayon ang lahat ng teachers sa campus kasama ang principal about sa paparating na Foundation Day." Napatango na lang ako.

Malapit na rin pala ang araw na 'yon. Taon taon naman nagkakaroon ng ganoon pero madalas ay nasa bahay lang ako. Hindi ko naman kasi hilig ang mga ganun at paniguradong hindi ko rin maeenjoy dahil sa mga maririnig kong panlalait.

Napangiti naman siya at saka itinapat sa bibig ko ang panghuling kutsara ng pagkain.

"Open your mouth or I'll kiss you." Agad naman akong ngumanga kaya napangiti siya. Nginuya ko naman kaagad ang isinubo niya.

Nang maubos ko ang pagkain na niluto niya para sa'kin ay tumayo na siya at saka binitbit ang pinggan. Pinainom niya muna ako ng tubig kaya uminom naman ako agad. Para akong bata at siya naman ang tatay ko. Alagang-alaga eh. Daig ko pa nagkasakit.

Napasandal na lang ako sa headboard ng kama at saka pumikit. Nang muli akong magmulat ay agad na nanlaki ang mata ko. Muntik pang tumalon ang puso sa pagkagulat. Pakiramdam ko ay bigla kong naumid ang dila ko at nawalan ako ng lakas makapagsalita. Natulala na lang ako sa napakagwapong mukha ni Zero na nakatitig sa'kin ngayon.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng puso ko dahil sa sobrang lakas nun. Natatakot tuloy ako na baka marinig niya iyon.

Bigla naman siyang ngumiti dahilan para tumalon ang puso ko at agad na nanlaki ang mata ko ng mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga.

Tinitigan niya naman ako sa mata dahilan para mailang ako.

Bakit ba siya ganyan makatingin? Kinakabahan tuloy ko.

Agad akong napaiwas ng tingin ng mapatingin siya sa labi ko. Wala na ring tigil sa pagkabog ang puso ko.

"Can I kiss you?" Napalingon naman ako sa kanya at muntik pang magtama ang labi naming dalawa.

"H-Huh?" Napangiti naman siya sa naging reaction ko at agad akong napatigil sa paghinga ng tuluyan na niyang tinawid ang pagitan ng labi naming dalawa. Nanlaki ang mata ko. Ni hindi ko man lang siyang magawang itulak dahil masyado akong nalulunod sa halik niya.

Napapikit na lang ako ng simulan niyang igalaw ang labi niya. Marahan niya ring inalalayan ang paggalaw ng ulo ko nang makasabay ako sa kanya.

Bumaba ang kamay niya pahaplos sa braso ko. Ang akala ko ay iaangat niya ang t-shirt ko ngunit hindi niya ginawa. Nang magmulat ako ng mata ay napansin kong iniangat niya ang kumot.

Hinalikan niya pa ako sa noo at saka marahang hinaplos ang buhok ko. Nginitian niya ako bago tuluyang itinaas ang kumot dahilan para lumundag ang puso ko sa tuwa.

Ang gentleman din naman pala niya.

Muli niya akong hinalikan sa noo ko kaya napangiti na lang ako.

"You should go back to sleep. Don't worry. Wala akong gagawin sa'yo. I will just stare at you until you fall asleep." Tumango na lang ako ng dahil sa sinabi niya. Inangat ko na lang ang kumot hanggang leeg ko.

Humarap ako sa direksyon niya at saka ko siya tinitigan habang nakatitig din siya sa'kin.

"You'll sleep or I'll kiss you?" Napailing na lang ako nang dahil sa sinabi niya at saka pumikit habang may ngiti sa labi.

Sana sa muling pagmulat ng mga mata ko. Siya pa rin ang unang makikita ko.

-----

KINDLY VOTE AND COMMENT

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon