🍂Chapter 26🍂

1.3K 34 0
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN: 26

                             

                                🍂

Kahit nasaktan niya na ako ng isang beses. Iyong puso ko, siya pa rin ang pinipili.

                               🍂
                              MIA

I stiffened for a moment, I blink my eyes twice, still confused.

Zero stared at me with amusement in his eyes like he was enjoying the view. His lips rose up on the side of his cheek.

Ngumisi pa siya kaya mas lalong kumabog ang puso ko. Palagi niya na lang pinapakabog ang puso ko at natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako, hulog na hulog na naman ako sa kanya kagaya noon.

Ayoko nang maging si Mia noon na minahal siya pero nagawa niya pa rin niyang paglaruan ang feelings ko.

Napabuntong hininga na lang ako at saka kinagat ang ibabang labi ko, pilit iniiwasan ang mapanuri niyang tingin.

Napapikit na lang ako nang mangatog ang tuhod ko. Agad kong nasapo ang dibdib ko at saka napahawak sa gilid ng lamesa para suportahan ang sarili.

It felt like I was drown in the water because I can't breathe properly.

Huminga muna ako ng malalim bago nilingon si Zach na kanina pa nagtitimpi. His hand tightened into fist like he was going to punch his brother.

"Since, we're playing the falling game, our goal is to stole her heart. Tsaka lang matatapos ang laro kapag nahulog na siya sa isa sa'tin."

Umangat naman ang sulok ng labi ni Zach at saka masamang tumingin kay Zero.

"At sa tingin mo, ikaw ang mananalo?" Napatawa naman ng mahina ang kapatid niya, halatang nang-iinsulto

"Bakit nagtataka ka pa? I'm pretty sure that Mia will choose me over you, if not, then I will make her fall for me and stole her from you," seryosong sabi niya. Ngumisi pa siya bago humakbang palayo.

Well, just what I thought but Zach actually punch him that caused him to crash the floor.

My eyes went round, his lips is bleeding but he just laugh and wipe the blood using his thumb.

"Wow! Ang lakas nun ah?" tumatawang sabi ni Zero habang
pinupunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya.

Dinilaan niya pa 'yon at saka tinikman na parang sarap na sarap sa sarili niyang dugo.

Napatitig tuloy ako sa kanya nang magsimula siyang tumayo, nakangisi pa rin siya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Zach.

"Do you really think that Mia would choose a man who just played her heart?" galit na tanong ni Zach.

Tinitigan naman kami ni Zero at saka ngumiti nang nakakaloko.

"And do you think she would choose a man who just played with her and suddenly fell inlove?" nang-aasar na sabi ni Zero.

I bite my lower lip trying to fight back my tears when I felt my body hit the edge of the table.

Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pinilit kong tumayo para awatin sila Zero.

Agad kong nilapitan si Zach at niyakap ng mahigpit habang nangingilid ang luha ko.

"Zach, please, calm down," halos magmakaawa na ako pero hindi niya ako pinakinggan. He was very angry with his brother.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon