NANG DAHIL SA NAPKIN: 21🍂
Kahit isang beses lang, kahit sandali lang. Magpanggap ka namang mahal mo ako.
🍂
MIA POINT OF VIEW
"Oh, eto na gamitin mo. Basang basa na 'yang panyo mo eh."
Napatingin naman ako sa panyong inabot ni Zach. Nagpilit na lang ako ng ngiti at saka tinanggap ang panyo.
"Thank you." Napabuntong hininga naman siya habang pinagmamasdan ako. Muntik pang tumalon ang puso ko nang agawin niya ang panyo at siya na ang nagpunas ng luha ko.
"Sabi ko naman sa'yo, playboy 'yong kapatid ko. Huwag mong iyakan 'yon, dapat paiyakin mo rin para quits na kayo." Napailing naman ako sa suhestiyon niya.
"Baliw! Inutusan mo pa akong saktan siya." Nagtaas naman siya ng kilay habang pinupunasan pa rin ang pisngi ko.
"Ano bang silbi ko? Huwag kang mag-alala. Makakaganti ka rin diyan kay Zero." Nagkibit balikat naman ako.
"Wala naman akong balak gumanti eh. Masyado kang bad influence!"
Napangisi naman siya bago ibinalik ang panyo sa bulsa niya. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa'kin.
"Anong sabi mo? Ang gwapo ko?" Napatitig naman ako sa kanya, bigla kong naalala si Zero.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Mabilis naman akong tumango pero mukhang hindi siya kumbinsido. Nagtaka pa ako nang bigla siyang tumayo at dire-diretsong naglakad palayo.
"Saan naman kaya pupunta ang isang 'yon?" Napailing na lang ako at nagpangalumbaba habang nakatukod ang siko sa hita ko.
Agad naman akong napaayos ng upo nang mapansing pabalik na si Zach. Tuwid na tuwid ang katawan niya. Ang isang kamay ay may hawak na plastic habang ang kabila niyang kamay ay nakapasok sa bulsa niya.
Ni hindi man lang niya nilingon ang mga kababaihang sinisigaw ang pangalan niya dahil sa akin lang siya nakatingin.
Nginitian ko na lang siya nang umupo siya sa tabi ko at saka inilapag ang plastic na dala niya.
"Ano 'yang binili mo?" curious na tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot, inilabas niya naman ang laman ng plastic. Agad akong napangiti nang makita kong fries ang binili niya.
"Para kanino 'yan?" Napatitig naman siya sa'kin at saka napailing.
"Sino kaya rito 'yong favorite ang fries?" Nabatukan ko naman siya pero hindi gaanong malakas.
Nginitian niya pa ako bago inabot sa'kin ang pagkain. Excited pa akong kumuha ng fries at saka nakangiting kumain.
Kahit papaano ay nakalimutan kong malungkot ako.
"Good thing, napapangiti ka nang pagkain na 'yan," sabi ni Zach. Napalingon naman ako sa kanya sabay ngiti.
"Thank you talaga!" masayang sabi ko. Napailing naman siya at ginulo pa ang buhok ko pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. Masaya ako eh.
"Ang cute mo matuwa 'no? Halos mapunit na 'yong labi mo eh," pang-aasar niya. Napairap tuloy ako.
"Alam mo, ang gulo mo kausap. Kanina ayaw mo akong umiiyak kasi mamamaga 'yong mata ko. Tapos ngayon, may reklamo ka pa rin? Ang dami mong issue ha?" I stared at him and I saw him bite his lips to stop himself from laughing.
Napailing na lang ako at saka nagpatuloy sa pagkain.
"Hey, galit ka?" Hindi ko naman siya pinansin pero hindi ako galit. Masyado lang siguro akong preoccupied.
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...