🍂Chapter 17🍂

1.7K 59 15
                                    


                              MIA

"Hey! Kanina pa kita hinahanap."



Agad naman akong napatalon nang bigla na lang may kumalabit sa balikat ko. Sinamaan ko na lang ng tingin si Zach dahil para mangunot ang noo niya.

"Bakit? Ano na naman ang ginawa ko?"

Napairap na lang ako at saka nagsimulang maglakad nang higitin niya ang braso ko.

"Ano ba?!"

Gulat naman siyang napatitig sa akin at unti-unting nagsalubong ang kilay. Nagtataka kung bakit ako nagsusungit ngayon.

"Bakit ka ba sumisigaw? May kasalanan ba ako sa'yo?" Sinamaan ko na lang siya ng tingin at saka pabalang na binawi ang kamay ko.

Padabog akong nagmartsa ngunit agad din akong napahinto nang yakapin niya ako mula sa likod.

"Ano ba?! Bakit ka ba nangyayakap?" inis na tanong ko.

Nasa likod ko lang naman kasi siya at sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang sagwa lang tingnan.

"Huwag ka ngang malikot, may tagos ka."

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya at saka kumalas sa pagkakayakap niya.

Agad kong sinipat ang palda ko at malakas na nahampas ang noo.

May tagos nga ako.

"Paano na 'to ngayon?! Ang malas ko naman!" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Sumabay pa ang pagsakit ng puson ko kaya mas lalo akong napaiyak.

"Hey! Huwag ka nang umiyak diyan. Pumunta muna tayo sa rest room," aniya at agad na nangunot ang noo ko nang muli niya akong yakapin.

"Hoy! Ano ba?! Lumayo ka nga," inis na sabi ko.

Hindi naman siya natinag at nagsimula nang humakbang. Wala akong choice kundi ang lumakad na lang din dahil nakayakap siya sa'kin,

"Kailangan ba talagang maglakad tayo na ganito?" bulong ko sa kanya.

"Why? Naiilang ka?" Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang sa paghakbang.


Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin at bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.



Medyo nahirapan pa akong maglakad dahil tinutulak niya ako. Nang makarating kami sa c.r. ay agad ko siyang itinulak palayo.

Malakas tuloy siyang napatawa dahil sa naging reaction ko.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang matinding pagsakit ng puson ko.

Nang mapansin niyang namimilipit na ako ay tumigil na rin siya sa pagtawa at hinawakan ang kamay ko.

"Ayos ka lang? Bakit parang mukha ka nang matatae diyan," pagbibiro niya ngunit dahil badtrip ako, hindi ako natuwa sa joke niya.


Mas lalo akong napangiwi nang tumindi ang sakit. Nakakainis naman!

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Bakit ka ba tanong ka nang tanong? Ibili mo na lang kaya ako ng napkin nang makapagpalit na ako," inis na sabi ko dahilan para manlaki ang mata niya.

"Anong ako? Ayoko nga! Wala akong balak dungisan ang pagkalalaki ko."

Napapikit na lang ako at napahilot sa sentido.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon